Monday, August 28, 2006

ano ang nangyari kay ed tiotioen?

sa mga kasamahan ko sa USTe:

nakita ko yong pic sa wake ni ed tiotioen, nagulat ako dahil hinahanap ko talaga siya sa messages and pics, iyon pala ganon na ang pic niya. ano ikinamatay ni ed?

naalala ko noong magfa-facilitate ako ng ilang topics ng SKM eh si ed ang nagpabaon sa akin ng pag-gamit ng visual aid ng "structure-superstructure" para mapadali ang diskusyon.

ginabi na kami ni bong (educ) pagkatapos nong SKM na iyon at dahil siguro sa kapraningan ni bong na makitulog ako sa bahay nila sa tondo pagka-galing sa ED - eh sa luneta na lang kami napadpad para magpalipas ng gabi.

ayon hinuli kami ng pulis for vagrancy HAHAHAHA.

habang nira-roundup ang mga natutulog sa luneta eh busy akong nagpupunit ng mga ED materials na itinatapon ko sa ilalim ng upuan ng fiera ng pulis. pagdating naman namin sa presinto sa likod ng rizal grandstand ay isinuksok ko sa isang filing cabinet ng mga pulis ang facilitation manual ng SKM. sayang talaga yong manual nayon kasi pamana na sa akin yon, di pa nga SKM ang nakasulat eh, SKP pa. gulat siguro ng pulis na nakakita non. at yong taga-linis ng fiera nila.

ayon, kaya ko naalala si
ed tiotioen.

ikabod

Wednesday, August 23, 2006

G-Girl

i saw my super ex-girlfriend last week. it quite summed up my previous relationship with len.

watch it, it's a pretty batty movie.

Thursday, August 17, 2006

Sunday, August 13, 2006

petitioner # 2876

hokey panahon na naman para sa isang "i don't usually post stuff like this but...."

kahapon nalaman ko sa internet na ang nabalitaan kong pinatay sa baranggay malusay, guihulngan nuong hunyo 20 ay isa palang volunteer ng human rights organization na karapatan, si eladio dasi-an. halos 2-3 kilomentro lang ang layo ng pinangyarihan sa aking tinutuluyan sa poblacion ng guihulngan. madalas ako sa malusay dahil baybaying baranggay ito, nai-post ko pa sa accidental photoblogger ang ilang pics nakuha ko doon nuong linggo na pinatay si eladio.

sa gitna ng mga tagay ng tuba sa tabing dagat o pagtungga ng beer sa poblacion ay makakarinig ako ng mga kuwento ng salvagings sa guihulngan, di ko malaman kung alin ang pulitikal at hindi, pati ng mga engkwentro sa mga kabundukang baranggay. ang pinsan ng katiwala sa bahay na tinululuyan ko ay survivor ng isang raid ng mga rebelde sa isang para-military unit kailan lang.

mayroong libro na inilathala ang national council of churches in the philippines tungkol sa resulta ng isang international fact-finding mission sa negros oriental at cotabato nuong dekada 80 at isang chapter ang naka-laan para sa guihulngan. ang meyor na binabanggit sa libro ay siyang meyor pa rin ngayon. sa brgy mckinley pa rin nakabase ang militar ngayon ayon sa ulat na mayroon daw "death squad".

isang lider mananagat na ginawang sundalo nuong batas militar sa murang edad na 16 ang nag-paliwanag sa akin na napakahirap para sa mga sinanay pumatay na kumawala sa buhay ng karahasan. pag-aralan ko daw ang mga kasabayan niyang naging sundalo nuong 1975-1981, halos puro ekstensyon ng pagiging killing machine ang buhay ngayon - mga naging bodyguards ng mga pulitiko, mga naging gun for hire, nasa kidnap for ransom groups, o kahit pa simpleng siga-siga sa kanilang mga lugar.

pagkarating daw niya sa kanyang yunit sa mindanaw noon ay natakot daw agad siya sa kakaibang pagkilos at pag-iisip ng mga "beterano" na gumagawa pa ng kwintas ng mga tinuhog na mga tenga ng mga napatay nila. ang pa-welcome sa mga baguhan ay pag-"take over" sa mga morong inabutan sa checkpoint sa wala daw sedula. nuong tinanong ko kung ang ibig sabihin ba ng take over ay ipinababaril ang mga nahuli sa mga baguhan, ang sagot sa akin ay hindi daw. dahil "silent killing" kapag sa checkpoint, kaya daw sila may issue na bayoneta, sayang din ang bala.

mula sa ganoong training daw na gagawin silang killing machine, sabi niya ay wala namang re-training para sa mga umaalis ng pagka-sundalo para makabalik uli sa pag-iisip sibilyan, para maging epektibo silang maging mapayapang mamamayan. kaya hirap silang mabuhay na walang baril, noon nga daw sibilyan na siya at di siya naka-abot sa last trip ay nagpaputok siya ng ilang beses para pasakayin siya ng bus driver. paghahanap ng kaaway ang training sa kanila kaya hindi kapareho ng sibilyan ang pag-iisip nila kapag may bagong taong lalapit at babati sa kanila. kapag inuman daw ay parating nakabantay ang dating sundalo sa kainuman dahil baka "unahan" siya nito kaya madalas ay "uunahan" na niya ito.

ang tagal daw ng struggle niya bago niya tinalikuran ang paghawak ng baril. kahit ngayon daw na matagal na siyan lider mananagat ay marami pa ring ang tingin sa kanya ay ang dating siga at basagulero. sabi ko dapat pala ay may organisasyon sila para sa "civilian re-training" pero mahirap na daw dahil kapag sinisimulan pa lang niya mag-paliwanag sa mga dati niyan ka-batch ay tinatawanan lang siya at tinatanong kung nag-pari na ba siya.

kaya hindi napakahirap para manumbalik sa panahon ng patayan nuong martial law, kaibhan lang ngayon ay pati mga sibilyan parang nasanay na rin sa patayan sa paligid. ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kahapon ng makita ko ang larawan ng dalawang LFS bikol na mukhang nagkukulitan sa isang pagtitipon, pareho na silang patay ngayon sa magkahiwalay na kaso ng pagpaslang. naisip ko na sana pala binigyang parangal si castor na board member ng task force detainees of the philippines nuong na-survive niya ang pagkakabaril sa kanyang mukha nuong isang taon, bakit kapag namatay doon laman ibinubuhos ang pighati at parangal?

nuong nabasa ko ang online petition STOP EXTRA-JUDICIAL KILLINGS IN THE PHILIPPINES gusto kong magpasalamat sa mga banyaga at mga migranteng pilipino na naglagda doon, nag-uumapaw ang aking damdamin sa pakikipag-isa nila sa mga biktima at pamilya ng mga pagpatay, at sa ating lahat na nabubuhay rito sa gitna ng malawakang kampanya ng kamatayan.

pero hindi pasasalamat ang nais nila kundi pakiki-isa, paghimok at pagkilos. kaya't ang aking pasasalamat at pakiki-isa ay aking ginawa sa pagsama ng aking pangalan sa online petition. ito na rin ang aking munting paunang pagkilos, sanay pati sa iyo na rin.

salamat.

Thursday, August 10, 2006

by the moon's gravitational pull

last week napanood ko sa balita mga nagkakawayang ofw's sa beirut na nagsasabing huwag mag-alala mga kamag-anak nila dahil nasa southern lebanon lang targets ng israel.

balita kanina eh pinasabugan ng mga israeli na eroplano ang isang abandoned lighthouse sa commercial and business district ng central beirut.

puwede nang mag-alala.

Tuesday, August 08, 2006

Wednesday, August 02, 2006

you want me to ask what?

a friend told me to ask this naman sa susunod: "sino katabi mo ngayon at ano iniisip mo kapag katabi mo siya?"

hehe. kitakits na lang sa sunod na inuman!

Monday, July 31, 2006

Thursday, July 27, 2006

cesar montano

1. bakit hindi na lang siya kumuha ng globe plan?
2. bakit ganon siya uminom ng nature's spring?

Saturday, July 22, 2006

ano lunch?

Kfc delivery lang. la ako maid. D pa k tapos maglaba. Kayo?
Punta ka d2. Papakainin kita manok.
Tinirhan pa nga kta. Magparamdam ka pag baba mo ng bundok. God bless:-)
Arlene
Hoy kumusta naman mo oy? Misent b i2? C dets i2. Mis u so much kis ko kay darling ha?
Det-det
San k?
Hahaha! Di ko rin alam e
Brammy
Mgpa pa lunch k? Kmi sweet n sour n bangus.. Ikw? Davao p rn kw?
Eh mrmi tuna dyn ah.. Ay negros nga pla dyn wla nga pla mkain dyn.
Bka mging taong negros k n.
Ester
Lunch namin? D2 kami barrio fiesta? Kau musta?
Jonal
Hi romel..Checharon na baboy. Hehehe. Nsan ka ngayun?
Lemuel
Prawns!-my favorite!U
Dinah
Ano lunch? wala ko kagets
Luz
Malay ko kung ano lunch nyo pre, hehehe.. Bsta ako, pwde na crispy pata at pakbet.u
Wilnor
Ginisang ampalaya at baboy. Habol ka?U
Zeena
Ano lunch? Mistext? hehe enjoy your luch.. Happy weekend.
Ah.. Parang choose your own adventure na menu. u. well its a lazy sturday lunch of yakisoba and toasted bread... Hehe
Tanya
Tnatmad me cook, out f town p Mama.mkhngi nlang me sau.
Lilipas din yan itulog m nlang.
Jazer
D2 ako sa market2 wd family. Wru? Bday sharon yesterday.
Bobby
Helo papa1 Unti lang load ko .. hehe..nsa festi kme ngaun nina mama..luv ya
Ayi
Why? Wer r u?
Nida
hi love chx mechado ang fud ko knna
Che
Taas lagnat amiel e
Ako naglunch sya noodles lang gusto
Loy
Panga ng dulong ska relyenong dulong..Gus2 ka?
Mhel
d pa kmi naglunch tanghali na kmi nagagahan
Anthony
Hoy, salamat! Eto, kakakain lang ng ration galing sa old haus. Spagheti na bitin sa sauce. D k ksama sa Market?
Sharon
Seminar food. Sa mtrc. Malamig na soup at maalat na isda. Hindi puedeng kunan ng photo at ipang-inggit. u
Aying
San ka? Kakauwi ko lng. Just read ur msg.
Omar

Tuesday, July 18, 2006

beautiful agony

This summary is not available. Please click here to view the post.

Friday, July 07, 2006

file under "disturbing"

i just saw a clip of debbie gibson going onstage during a circle jerks gig and joined them in singing I WANNA DESTROY YOU!!!

Monday, July 03, 2006

2.9 x 3.4 x 3.0 cm.

...size ng follicle cyst ni luz sa kanyang left ovary.

Thursday, June 22, 2006

6 degrees of kevin bacon

browsing over belle's URL, friendster told me that "belle is your friend" i went "hwatdafak? we're related by blood you idiot, she's my cousin!"

but that was on friendster after all so a can't really complain. if there only was a cousinster.com where we find out that we're all cousins separated by several degrees, that would be swell!

"belle is your first degree cousin"
"saddam is your distant cousin,
you are connected to him through his cousin jamal who is the cousin of ahmed..."
"you married your cousin you idot!"

Wednesday, June 21, 2006

someone in yahoo hates heat

hurry before somebody fixes it!

under the "top headlines" in the yahoo sports spage, clicking the NBA link to the article "Heat Beat Mavericks to Win NBA Title" would lead you to an old yahoo sports story on the Feb 09, 2006 36 point game loss of the Miami Heat to the Dallas Mavericks during the regular season titled "Dallas 112, Miami 76"

para kay bingboy at sa kanyang pamilya

nakikiramay ako sa inyong pagdalamhati ngayong araw ng libing ni nanay.