ah! davao! asteeg nakaab0t din! tapos na ang amazing race. pwede na ang aking munggo post.
it started with this text last week "friday ngayon kya gulay na munggo nd pritong isda."
again, there's that munggo-friday koneks, and i learned na munggo-isda-friday koneks pala yon. so i asked my friends "bakit karaniwang hinahanda ang munggo kapag friday?"
of course merong clueless about wtf i just asked them, tulad ni luz: "ngano man? wala ko kblo" at si malu: "di ko npapansin un. D ko lam. Haha...Search mo s google" pinasa pa ako sa google, the same tack taken by del albeit low tech version: "nakasulay ka pangutana dha ngano?" hmmmm malamang hindi ganon ang kalakaran sa pamilya nila or hindi sila mapagbantay sa hinahanda sa mga karinderya.
but there are people who are aware of this munggo-friday thingie and simply take this as a fact of life tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, the rising and falling of the tides, pero if you ask them about it:
vivian: "gud question, pero alam mo di ko alam."
arlene: "d ko alam. Bakit?"
che: "hmm la pa akong sagot jan ngyn teka at iisipn k nga bkit"
mhel: "alam mo yan dn ang tanung ko sa nanay ko na d nya masagot un lng dw nkasanayan nya pero dahl daw lent"
ah! now there's one who saw through the matrix and asked why pink is for girls and blue is for boys! ang tanging sagot ay ganun kasi ang nakasanayan. at katulad sa lahat ng bagay ay may silip na may kinalaman na naman ang relihiyon.
gerrie actually admonished me for being stupid about the katoliko connection, mahaba tnxt niya pero basically she said - allohaaaaa! 3pm friday sa kalbaryo? good friday haller! no meat so fish and veg lang! and munggo ang katapat ng karne pagdating sa sustansya.
ganon din sabi ni aying: "sa katoliko yan comrade. Ka-partner kasi ng isda. No meat ang friday. Day of sacrifice chuva. Bakit friday? connected sa good Friday. Nakasanayan na lang siguro na munggo at isda ang no meat" pinag-isipan ata ni vivian ito kasi naghabol siya ng text na "i think kse sa mga roman catholics after d ash wednesday bwal na ang pork pag fridays until easter sunday, so veg and fish lang ang pwede"
hmmm parang national geographic! yumayaman ang aking kaalaman! kaso another palaisipan! pahabol ni vivian: "pero bkt kya hindi pakbet or ampalaya? Y munggo nd isa?" aba! oo nga ano!!
sabi ni ge na hindi na ata natutuwa: "munggo parang kanin.mas mabigat sa tyan. matagal bago magutom uli.parang mais,d ba." hhmmmm may point, so i asked "eh di hindi pala dapat sahugan ng karne ang munggo kapag friday?"
sabi ni aying "baka nga kaya munggo. Kasi, di tulad ng pakbet, puedeng di sahugan ng karne ang munggo." (me ganung batas pala ang pakbet) very definite ang sagot ni ge "tinapa lang dapat ang alam ko".
pero meron ding me kasagutan na mas praktikal ang pinanggagalingan, pinaalam sa akin ni zeena na "kasi binababad pa yan lunes pa lang para by biernes malambot na"
sabi pa ni tanya "para bumagay sa 'extra fork' po na natira pa. Hehe. Besides, d monday, tuesday, wednesday monggo tastes best on Friday!" maganda sagot ni sharon na karugtong niyan "Ks pag Fri may paksiw o porkchop" o di ba? baka nga naman walang kinalaman si kristo dito sa friday munggo.
si murin economics ang hugot "malinaw ang sagot dyan, madalas byernes poor na ang mga tao..munggo na lng kaya bilhin..sa sunod na linggo na makasahod titikim na ng ibang putahe" hanep. ganon din ang pahabol ni myra "2ngkol naman s munggo, kya fri kc ala n laman ang ref n pwde maulam"
sabi na nga ba me class analysis na usapin dito eh, kaso me hirit si aying na itinigil ko na pagtatanong "Btw, noon daw, may matatanda na tuesday at friday ang no meat day. Bakit tuesday? yun po ang wala akong kasagutan."
alam ko lang nung martial law eh daimos kapag martes.
Friday, February 23, 2007
Wednesday, February 21, 2007
balakang
in a few minutes run na ako sa pier, para sa cebu ferries boat to cagayan de oro, our lady of good voyage. nakapag-30 minutes na back massage sa tonton kanina at nakapag-browse na sa national bookstore. baon ko ay cinnamon roll ng goldilocks at KIKOMACHINE2 asteeeeeeg! rakenrol!!
Tuesday, February 20, 2007
single step
how do i get from here to there? what do i do?5:30 this afternoon i'll take the ferry and cross the tanon strait to tangil port in dumanjug, cebu. then, either by van or bus, i'll be in cebu city about nine-ish.
tomorrow evening i'll take the overnight superferry to cagayan de oro, and be there till friday maybe.
depending on how things turn out in cagayan de oro, i'll already be making whoopee in davao city early morning friday or saturday after i take the cross country buda bus. whoopee!!!!
Wednesday, February 14, 2007
Sunday, February 11, 2007
speak your truth loudly and clearly
nung huwebes humingi si JT ng extra fork sa waiter sa resto sa center mall ng san carlos, medyo natagalan nang kaunti, pagbalik ng waiter ay binigyan niya si JT ng dagdag na pork barbeque.
sa makati dati humingi ako ng beer at ang ibinigay sa akin ay ang aming bill, pero mas kwela itong extra fork.
sa makati dati humingi ako ng beer at ang ibinigay sa akin ay ang aming bill, pero mas kwela itong extra fork.
Wednesday, February 07, 2007
Tuesday, February 06, 2007
ramblin man
kakaisip ko pa lang kahapon ng umaga na siguro naman wala na akong pakikiramayan ngayong pebrero, pero pagkatanghali ay nalaman kong namatay na si tolits at ngayon sa email ay tatay naman ni milcah, at asais pa lang ng pebrero.
naalala ko si pol tapia, andami kong nakitang patay sa isang araw dahil pinaghahahanap namin siya sa mga punenarya sa maynila. nuong huli kong punta sa pagtitipon ng FIND nakabilang pa rin ang mukha niya sa mga nawawala.
pagkatapos ng funeral hopping ay nasubukan ko din dati mag-bus hopping, sumasakay ako ng g-liner na makirina-tayuman na byahe para mag-paliwanag sa Letter of Intent ng pilipinas para sa IMF-World Bank at ang kaugnayan nito sa pagtaas ng presyo ng langis, habang nangungolekta naman ang isang kasamahan ko ng baryang tulong galing sa mga pasahero. sa mga rally mas gusto kong tagahawak ng collection box (CB) dahil hindi ko kelangan pumasok sa linya.

nung isang araw natawa ako sa isang praise the lord na nagsalita sa loob ng bus na sinakyan ko pa-San Carlos, ipinaliwanag niya ng husto kung bakit kailangan magbigay ng love offering ang mga tao sa mga "ministro ng panginoon" at kung bakit kailangan naman nilang tanggapin ang mga love offering ng mga tao. i gave her a five (peso coin) for effort.
sa san carlos eh napadaan ako sa novo store at naaliw ako sa murang korean na surplus products don, pag-abot ko ng terminal ng bus ay me dala akong maroon laundry basket na maliit, orange toiletry basket na maliit, tissue na maliit, wet tissue na maliit, red pumice stone na maliit, black notebook na maliit, supot ng toothpick na maliit, blue soap dish na maliit, violet shower scrub at coconut scented na cabinet freshener.
pagbalik ko ng guihulngan ay automotic na akong tinanong sa karinderya kung munggo, half rice at C2 ang oorderin ko sa hapunan, ganon na pala tatak ng mukha ko doon, mr. munggo. sa pwesto naman sa palengke eh budbod at tsokolate naman ang itatanong agad sa akin, para maiba naman kanina eh sabi ko kanin ang order ko....at munggo...at tsokolate.
mukhang fixture na ako sa poblacion dahil kabatian ko na sa kalye ang barbero, mga tindera sa panaderya sa kanto, taga LGU, taga PTNT, mangangarne sa palengke, mga mananagat, taga-internet, taga lending at money changer at taga bangko. nung 3 day blackout ay pwede na ako makisaksak ng libre sa isang pwesto sa palengke na me kuryente galing generator.
dito sa gitna ng kabisayaan ay feeling ko ang husay ko na magbisaya dahil araw araw ko silang kakwentuhan na umuusad naman usapan namin, kapag me kausap akong taga-mindanaw eh don ako nagmumukhang tanga sa pagbibisaya dahil parati akong sinasabihan na magtagalog na lang ako kapag kausap ko sila, mas lalo na sa davao, at mas lalo na si cheryl. windang nga ako pagkabalik ko galing davao dahil halos nagtagalog ako don.
minsan kapag me bisayang nagsasabi na hirap sila sa tagalog eh parang hirap ako maniwala dahil puro tagalog naman ang palabas sa tv na araw araw at gabi-gabi nilang pinapanood. sa umaga nakaka-asiwang makita na dito sa gitna ng kabaryuhan sa negros eh ipinapaalam sa amin ang kalagayan ng trapiko sa EDSA - sa may Nepa-QMart, sa Ortigas at sa Makati. sigurado akong walang pakialam ang mga taga maynila na me nasagasaang kambing sa bandang liko sa highway sa barangay kinayan kaya para ano naman sa buhay namin ang malamang buhol-buhol ang sasakyan sa commonwealth avenue sa quezon city?
kahapon may nakita akong nakasakay sa kalabaw sa highway, gusto ko sanang mamangha pero magmumukha akong tanga, palay nga pala eh pinapatuyo sa highway so hindi malayong sanay na din mga tao makakita ng nangangalabaw sa highway kasabay ng mga sikad, habal-habal at bus. pero kung me sumakay sa kambing mamamangha na talaga ako.
kanina habang nakasakay ako ng motor sa highway ay naiputan ako ng ibon sa ilong.

Saturday, January 27, 2007
giant clam
nakatikim ako ng ginataang taklobo sa el nido palawan lampas isang dekada na ang nakaraan. don ko nalaman na endangered na pala ito, sabi ng haribon staff na siya mismong kumuha ng taklobong kinain namin sa mismong sanktwaryo na binabantayan niya dahil nga endangered na ito.
tatanga-tanga pa nga ako noong iniahon ang taklobo sa bangka kasi di ko napigilang haplos-haplusin ang madulas na laman nito. agad na hinila ang kamay ko palayo sa taklobo dahil baka daw ipitin nito ang kamay ko katulad ng mga napanood ko sa animal planet ng ilang beses pagkatapos noon. biglang sumasara ang nakabukang taklobo kapag nakaramdam ng kung anong pagdapo o lalo na ang pagkalikot sa loob nito, ito ang paraan niya upang makahuli ng makakain. (now there's a life lesson somewhere in that, which i unfortunately have not fully learned)tuwing napapadaan ako sa pintuan ng mga simbahan at katedral dito sa pilipinas, at nakikita ko ang rebulto ng anghel na lagayan ng agua bendita ay lalo nabubuo ang aking paniniwala na ang mga katoliko ang may kasalanan sa pag-ubos ng mga taklobo sa ating karagatan.
Saturday, January 20, 2007
Status of DAR’s ARC Development
http://www.dar.gov.ph/ssarcs.html
Mas maganda tong Performance on Land Tenure Improvement rakenrol!
As of December 2004, about 1,620 ARCs were launched with a total of 6,229 barangays nationwide. Some ______ hectares were distributed to _______ ARBs or ______ percent of the land distribution scope.Parang exam, fill in the blanks! Wehehe!
Mas maganda tong Performance on Land Tenure Improvement rakenrol!
Friday, January 19, 2007
Tuesday, January 16, 2007
Friday, January 12, 2007
another growth ring
ngayong araw na ito gusto kong pasalamatan ang mga sumusunod:
- gsm na cellphone
- internet connection
- mine shine milk tea
(not necessarily in that order)
Thursday, January 11, 2007
renewed after three years
it took me all morning just to pee for my drug test, and all afternoon to go through the application, the interview, the review, the written exam, the practical exam, the waiting, the waiting, and the waiting...
buti na lang 10 minutes before closing time yesterday na-release din ng LTO ang aking driver's license, fuckin-A!
buti na lang 10 minutes before closing time yesterday na-release din ng LTO ang aking driver's license, fuckin-A!
Sunday, January 07, 2007
Tuesday, January 02, 2007
Sunday, December 31, 2006
Thursday, December 28, 2006
Thursday, December 21, 2006
click
just a few minutes ago i found myself clicking the "switch" button on the blogger homepage, to try the new google-blogger-blogspot-bloggie-with-the-scary-terms-of-condition-thingie which promised sayonara to the "publishing spinner" forever.... and while i waited while it was switching - i missed the publishing spinner while i stared at the "this may take a minute or two" message - i suddenly thought that they might fuck up and erase all my posts, just like what hotmail had done to my inbox and archive messages. after more than just a minute or two they told me that they have not finished switching and they'll just email me someday when they finally do so...WTF!!!
so, tis good that i could still open the dashboard to the old blogger...bugger...booger...j. edgar hoover...pooper...blooper...
so, tis good that i could still open the dashboard to the old blogger...bugger...booger...j. edgar hoover...pooper...blooper...
Tuesday, December 12, 2006
Sunday, December 10, 2006
caring and sharing senyang
cancelled asean to do's:
- ikansela kay georgia ang pagluluto ng pritong isda at adobong sitaw para sa 200 tao bukas
- ipakansela na rin ang bulad at itlog para 100 tao sa martes ng umaga
- bayaran ang 2 agri-fish streamers at itago na lang para sa enero
- habulin ang mga mananagat sa negros na pinaghirapang yayain sa pagkilos sa cebu
- huwag na ituloy ang paghahanap ni al at lando ng sinulog style drum and bugle band
- kalimutan na ang paghahanap ng mga tents at portalet
- huwag nang kusutin ang mukha sa paghahabol ng venue
- magpahinga na sa pakikipagkulitan sa city hall, brgy hall, pulis at militar
- dedmahin na ang usapin sa pagdating o hindi ng pondo para sa mobilisasyon
- i-liquidate na ang mga ginastos para sa wala
- magsulat na uli sa blog
Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)