Monday, September 03, 2007

...to the limit

nung naglakad ako sa kalye ng kamaynilaan nung nakaraang linggo, napansin ko na may bagong street food na uso. calamares mhen, hanep.
una kong nakita sa may sta. mesa nung papunta kami ni zeena sa bahay ni malu, akala ko'y ispesyal lang na tinda dun sa isang pwesto. pero mamaya ay sunod sunod na nung papasok na kami ng lardizabal.
una siyang nawari ng aking ilong. iba ang naidagdag niyang amoy sa siksikang daan na puno ng kwek kwek, squid ball, pritong leeg ng manok, inihaw na mga isda, isawan, at prutasan. pagtingin ko ay kakaiba nga, mga galamay ng pusit na binalot ng arina na inaahon sa isang kalderong mainint na mantika.
sa carriedo kung saan nalaman kong walong piso na pala ang orange egg o kwek kwek, ay naglipana na din ang calamares, pero hindi ko alam kung calamares nga ba tawag don o may kakaibang haneps na pangalan tulad ng first blood o iud o tokneneng o pan de regla o sundot kulangot o tira tira o soup number five at remember me.
dun sila nagsiksikan sa may bandang ilalim na ng lrt na nung nakaraang daan ko ay pedestrian walkway pa siya pero pinatibag na ni lim. yong pag-alis ng stalls sa carriedo ay ok lang sa kin pero yong pag bukas uli sa avenida para madaanan ng sasakyan ay eh bad trip. balik bronx na naman ang itsura niya at malamang sisigawan na naman ng rebolusyon ng mga marra-rally na dadaan don.
sabi ni murin kahit daw sa gilid ng shangrila eh meron nang calamaresan. kaya di lang pala siya sa maynila. kung ang kwek kwek ay mga dalawang taon pa lang sa davao at ipinapakilala pa lang sa cagayan de oro eh baka isang dekada pa bago ako makakita ng squid tempura sa kakalyehan ng mindanaw.

1 comment:

Anonymous said...

baka mas mabilis na ngayon umabot sa minda ang pritong squid. ang kwek-kwek ay 1970s pa meron sa monumento. tanda ko ay binebenta ito ng tatluhan na nakaplastic. binebenta ng magbabalot na nakatambay sa palengke ng monumento