Thursday, February 28, 2008

kuwentong cubao

wala pa akong napapanood na palikula ni lav diaz. madalas ang ang mga write up at review sa kanya lately sa mga film related sites and groups. minsan naiisip kong mag unsubscribe na lang sa egroups ng cinemanila at up film center dahil nalalaman ko lang ang mga films ipapalabas na hindi ko na naman mapapanood. pero nagkasya na din ako na maglista at saka masigasig na maghanap ng kopya sa friendly neighborhood pirated dvd vendors dito.


kwela siguro manood ng 5 hour batang west side. sabi ni lav diaz na don sa kuala lumpur screening ng 11 hour long na ebolusyon ng isang batang pilipino eh may viewer na gumawa ng virtual kitchen sa harapan niya para lang mapanod nya ng sulit ang ebolusyon.


super tagal siguro mag-download ng lav diaz film. tapos badtrip pa kapag me gumamit lang pala ng title ng film niya, katulad ngayon kakabura ko lang ng nadownload ko sa limewire na un chien andalou eh imbes na ung gawa nila luis bunuel at salvador dali eh clip ng isang video ng sunsilk ang nagplay.... bwakanasiyet.


noong una kong narining yong tungkol sa batang west side eh hindi ako mapakali kung ang lav diaz na guamwa ba non eh pareho sa lav diaz na gumagawa ng album reviews sa jingle magazine noong araw... at siya nga! buti at me nakatago pa akong mga jingle chordmags mula nung bumili ako nung early 80s at ilang na iskor ko din na 1970s pa na issues.


dati eh elibs ako sa uncle dennis ko dahil andami niyang kuleksyon ng 1970s ng jingle, isip ko eh matanda naman na siya kaya siya nagka-kuleksyon ng ganon. tapos naisip ko eh 20n years old na rin pala ang jingle ko naman, aba eh eh, tumanda na din ako. naisip ko din na dati eh me isang issue din ako ng moptop na kasabayan ng jingle dati nung 70s, yong me flipside sa kabila, as in flipside talaga, kalahati ng mag eh naka baligtad so parang dalawa ang covers. nasan na kaya yon.....


kakatwa yong mga articles sa early 80s na jingle, debate ng mga punks at saka new wavers hehe... tsaka ng mga fans ng duran duran at spandau ballet.... wehehehe.


classic siyempre yon icon ng jingle, angel... angel na dyumi-jingle. galing din ng margin art work dati pati mga comic strips na puro kawirdohan. sina roxlee at mga utol niya pa ata ang gumagawa non, at si deng coy miel ba yon. mas nasanay ako sa format ng jingle kaya nung nawala siya at naglabasan na ang mga sangkatutak na music and chordmags ngayon eh hindi na ako nakasabay ng paglipat. napako na ako sa jingle.


ngayon eh kapag nangailangan ako ng chords ng kanta eh sa net na lang ako kumukuha, may tabs pa minsan. pero minsan ay napaisip ako ng makakita ako ng ebay page na isang 1990 issue ng jingle ang binebenta ng P500.... abah! hhmmmmmmmm......... (himas sa balbas) .............. hmmmmmm................ turntable.. turntable.. hhhmmmmmmmmm

No comments: