nakatikim ako ng ginataang taklobo sa el nido palawan lampas isang dekada na ang nakaraan. don ko nalaman na endangered na pala ito, sabi ng haribon staff na siya mismong kumuha ng taklobong kinain namin sa mismong sanktwaryo na binabantayan niya dahil nga endangered na ito.
tatanga-tanga pa nga ako noong iniahon ang taklobo sa bangka kasi di ko napigilang haplos-haplusin ang madulas na laman nito. agad na hinila ang kamay ko palayo sa taklobo dahil baka daw ipitin nito ang kamay ko katulad ng mga napanood ko sa animal planet ng ilang beses pagkatapos noon. biglang sumasara ang nakabukang taklobo kapag nakaramdam ng kung anong pagdapo o lalo na ang pagkalikot sa loob nito, ito ang paraan niya upang makahuli ng makakain. (now there's a life lesson somewhere in that, which i unfortunately have not fully learned)
tuwing napapadaan ako sa pintuan ng mga simbahan at katedral dito sa pilipinas, at nakikita ko ang rebulto ng anghel na lagayan ng agua bendita ay lalo nabubuo ang aking paniniwala na ang mga katoliko ang may kasalanan sa pag-ubos ng mga taklobo sa ating karagatan.