may panahon sa buhay ng isang kaibigan ko na kung magkita kami eh parati halos sa mga burol. joke namin na iyon na ang naging social life niya non, magpakita sa mga utaw kapag me mamatay.
sa mga kamag-anak ko sa tatay side ganon din ako, nakikilala ko lang sila kapag me nabawas sa angkan. ipapakilala sa kin mga kamag-anak ko na ugat pangasinan, baka daw makasalubong ko sa kalye eh di ko man lang alam na lolo o tiya o pinsan ko na pala iyon. hindi ko alam kung bakit walang naka-isip sa pamilya ng tatay ko na pagbakasyunin ako sa pangasinan o kaya man lang eh isama ako minsan sa taunang piyesta na umuuwi sila lola doon. mas madali at mas masaya sigurong paraan yon para makilala ko mga kamag-anak kong ugat doon
noon daw burol ni auntie juliet eh mini-reunion uli sa loyola. naka-uwi ang kapatid niyang si romeo na tatay ko. nabati na rin ni romeo ng 2 buwang belated na happy birhtday anak niyang si omar na kasama ang buong pamilya, pati ang apo ni romeo na si cera na don lang nakita. pati balae niya. don lang ata nakakita si erpats ng balae niya. andami na niyang naging balae sa akin eh wala man lang siyang nakita kahit isa don
andon din ang anak kong si ayi pati mama gerrie niya. sabi ng kapatid kong si ody (na nurse na sa US ngayon) kay cheryl nuong nasa maynila pa sila pareho eh absentee na apo-anak-kapatid daw ako sa bahay at mga family gatherings noon pa, kaya ang bumabawi para sa akin eh eh mga naka-karelasyon ko na mas nagiging malapit pa sa kanila kesa sa akin
ang muntik ko nang puntahan na burol ay iyong sa nanay ni rita sa davao, halos parehong panahon ng kay auntie juliet (auntie juliet na pinapagod ko daw dati sa kakasagot sa aking walang patid na 'why? why? why?" nong maliit pa ako). kaso kinailangan kong mamasada papuntang oroquieta nung weekend na dapat ay nasa davao ako