Thursday, December 11, 2008
Sunday, December 07, 2008
Tuesday, October 28, 2008
U.S. N.I. Visa
ang hinahanap pa sa iyo ay kung mayroon bang mabigat na dahilan, o mga ties, para bumalik ka sa pilipinas at hindi mag TNT. ang daming nade-deny dahil sa pagkakamaling ito.
kapag atat ka magpunta dun, eh diskumpiyado sa iyo. kapag wala ka namang ipakitang kagustuhan na magpunta don kundi dahil napilitan ka lang, saka ka naman bibigyan ng 10 years multiple entry visa. hanep.
Friday, October 17, 2008
Monday, September 29, 2008
Friday, August 22, 2008
bwakanang bravo at cato
my two cents worth on the whole grp-milf-bje-moa-ad thingie:
Para sa akin ang unang lente na dapat gamitin sa pagtingin sa Agreement on MOA-AD ay ang mahabang proseso ng usaping pangkapayapaan at kasunod nito agad ay ang mas mahabang pakikibaka ng mga moro para sa kanilang right to self determination.
Sa simula pa lang ng talks ay magkasalungat na kaagad ang dating ng mithiin ng mga moro sa Right to Self Determination (RSD) at ang di bibitiwan ng GRP na balangkas ng kasarinlan ng republika ng Pilipinas. Parang walang agreement na lalabas mula sa mga panels na super bangga talaga ang frameworks.
Pero lo and behold, nagawa nilang nakahanap ng kompromiso, ng middle way, ng pag-aabot isipan, ng pagkakaunawaan – at ito ang patungkol sa maaaring maging teritoryo ng bangsamoro juridical entity - ang MOA-AD Agreement.
Dito pa lang dapat ikatuwa na ang pag-abot ng ganitong kasunduan, given ang haba na ng panahong itinakbo ng peace talks, at ang mga utak pulbura sa magkabilang panig na kating kati nang bumalik na lang sa bakbakan.
Ang problema ay ang mga lente na ginagamit kaagad ay walang kinalaman sa peace process at moro RSD – na kesyo gagmitin ito ni GMA para sa term extension, na tulak ito ng US dahil sa hegemonial interests niya, na sampal ito sa mga kristiyano at mga lumad dahil walang konsultasyon, na hakbang ito sa pag-gawa ng bagong Islamic state na kung saan ang mga mahuhuli ng adultery ay hahatulan ng kamatayan by stoning etc etc.
Sana ia-ppreciate muna ang MOA-AD as an agreement ng 2 pwersang magkatunggali pero sumusubok na payapang i-settle ang differences nila, syempre sa framework nila ifo-forge ang agreement. At pagkatapos ay timbangin sana ang MOA-AD agreement sa mismong nilalaman nito, hindi ng mga ibang kinakatakutang bagay na hindi naman nakasulat sa agreement o kaya ay walang kinalaman sa peace process.
Una ay wala namang sinasabi na hiwalay na estado ang gagawing teritoryo ng BJE, paulit ulit ang gamit ng “associative relationship” na hindi maaaring ma-interpret to mean separate statehood. (kung kay Atty Sol Santos pa ay parang US at Puerto Rico o at ng Palau, so hindi mawawala ang central authority ng GRP)
Pangalawa, tungkol sa konsultasyon ay hindi naman ito nira-ram through sa throats ng mga tao - after 6 months ay dadaan sa plebisito kung papaloob ba ang mga residente ng category A areas sa BJE, at after 25 years naman ang plebisito sa category B areas kung gugustuhin nilang pumaloob under the BJE. Kaya, idinadaan ang MOA-AD agreement sa right to self determination ng mga residente ng mga identified areas na minimithing maisama sa teritoryo ng BJE. Itong ay choice na hindi ibinigay ng American Colonial Government o ng Republika ng Pilipinas sa mga lumad at mga moro nuong basta basta na lang isinama under the Philippine territory ang mga lupain at resources nila.
Tungkol sa point of view ng mga lumad naman ….. tinanggap sa MOA-AD agreement ang assertion na sa “bangsamoro” ay magkakasama ang mga lumad at Islamized lumads under that concept, hindi lamang mga muslim ang bangsamoro – dahil sa appreciation na bound ang struggle ng dalawang grupo against the present set-up na sinimulan nga colonial government at pinagpatuloy ng successor nitong government of the Rebuplic of the Philippines, kung saan mula sa predominantly muslim and lumad population na Mindanaw, ay naging dominantly Christian ang populasyon at nawala ang control and access ng mga lumad at moro sa kanilang mga lupain at resources.
Talaga bang napakalayo ng pananaw na ito sa pananaw ng mga lumad? Pakiramdam ba ng mga lumad na mas under the GRP sila narerespeto? Mas nag-identify na ba sila ngayon sa GRP kesa mga descendants ng Islamized lumads ng Mindanaw? O hindi naman pero ihinihiwalay na talaga nila ang kanilang mga isyu, pakikibaka at sarili mula sa mga moro?
Parang nahihirapan ako isipin na mananawagan ang mga lumad ng pagbasura ng MOA-AD Agreement dahil sa hindi sila kinonsulta, o dahil sampal sa kanila ang pag-gamit ng Agreement ng salitang Ancestral Domain na dapat ay pumapatungkol lamang sa mga lumad.
Para sa akin, ang dapat na interventions ng mga lumad, at kahit na sinong grupo, NA ANG MITHI AY KAPATAPAAN, ay tingnan kung papaano papayamanin ang laman at proseso ng MOA-AD bilang isang PEACE AGREEMENT na magbebenefit ang mas nakakarami - na hindi nito nasasagasaan ang identity, pananaw at pakikibaka ng iba pang mga guropo at sector pero hindi naman bumabasura sa parehong mithiing RSD ng mga lumad at paninindigan ng GRP sa kasarinlan. (ung tungkol sa charter change eh me suggestions na surgical amendments or pwede din naming magyari ang charter change para sa peace process after 2010 dahil di pa naman tapos ang usapan, first agreement pa ito)
Bakit tingin ko ganito dapat ang intervention? Dahil ang daling bumalik ng giyera - ang daling bumalik ng barilan at bombahan at masaker at ebakwasyon at walang hanggang karahasan. Ang daming mga Kumander Bravo at Kato at mas marami ding utak pulbura sa gubyerno / AFP at kahit sa mga komunidad. Anong mensahe ang ibinibigay natin sa kanila kapag nanawagan tayo ng pagpbabasura ng kasunduang pangkapayapaan?
Kailangan bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Mas gusto nating may peace talks kaysa patayan, pero mababale wala ito kapag ibinabasura na lang natin ang mga peace agreements. Magtulungan tayo kung papaano nga ba maaabot ang kapayapaan para sa lahat ng tao sa Mindanaw.
Thursday, July 24, 2008
exodus
there's a gotham night dvd, a straight to video 6-part animation stories that's supposed to fill the gap between the time ng batman returns and the dark knight. parang animatrix. as luck would have it, ang napanod ko kagabi ay advanced copy ng kung fu panda, bwiset.
byahe ako ng davao mamaya, don ako manonod ng dark knight. yong the watchmen pala eh ginagawan na ng movie.. buti nabasa ko muna bago pinalabas, hindi katulad nung 2 pang gawa ni allan moore na V at saka LXG, na napanod ko muna.
natapos ko na din ang clapton autobiography, kwela kasi si che naman binabasa yong wonderful tonight na autobio naman ni pattie boyd, pwedeng he said - she said. salamat ody sa books at sa ladybug pagemarker, luv it. kwela pa siguro kung may autobio ni george harrison na kasabay din.
hwag sana masyadong malamig sa bus mamaya, kelangan ko talaga ng lipat baga.
Thursday, June 19, 2008
Monday, June 16, 2008
manila peeps
- janet
- arlene
- jazz
- jorge
- bobby
- brammy
- jun
june 5
- ester
- mawie
- charles
- omar
- dad
june 6
- loy
- yamzee
- carlo
- candy
- sunshine
- joni
june 7
- jerry
- omar
- dad
- jonal
- lisa
june 8
- leslie
- ayi
- rhia
june 9
- ayi
- ge
- bob
- arlene
- bram
- jazz
- sharon
- bien
- kathal
- rhia
Tuesday, June 10, 2008
offline messages
Myla Espejo (6/9/2008 8:35:12 AM): nag meet daw tayo sa park at nagpusoy dos
Monday, May 19, 2008
Tuesday, April 29, 2008
Saturday, April 05, 2008
jolly roger
pero striking ang flag na ginamit ni general mariano llanera sa nueva ecija nung 1896, a black flag with a skull and crossbones beside the obligatory "K".
putek! it would have been so cool if that came to be our national flag today! siyet sino pa ba may itim na flag.... at me skull and crossbones pah! at parang nakangiti pa ang bungo wooohooohoooo! ang lufeeeeeeeet! dead man's chest ang dating!
yan na gagamitin ng mga punks sa cartimar, hindi na kelangan ng anarchy symbol. sigurado ako walang magpapa-late sa flag ceremony. imbes nakahawak ang kanang kamay sa kaliwang dibdib eh naka-ekis ang dalawang kamay sa dib dib ang gagawin. asteeeeeeeeeeg!
Thursday, March 13, 2008
pula
Friday, February 29, 2008
happy 16th ayi
Hi Lorena,
It’s now 2:00 in the morning, tahimik na dito sa bahay except for the sound of the keyboard as I write. Sana makabalik ka na uli dito soon, the place looks a lot better now compared sa last time na andito ka, at malayo na mula sa itsura nuong unang punta mo. It’s a nice place to come home to, lalo at may plants na sa likod, at may mirror na rin nga pala para sa iyo.
Kagabi pinakita sa kin ni Che ang mga scanned pictures na nilagay ng Lolo Omeng mo sa isang CD, mga lumang prints galing sa ibat-ibang lumang albums. Halo-halo, may pictures pa nga lolo ni Lolo Omeng. May mga pics din dun nung maliit ka pa, baby at pre-nursery pics mo, nung panahon na tumatakbo ka pa para sumubsob ng yakap sa akin kapag nagkikita tayo. Nasesenti ako minsan dun sa panahon na iilan pa lang kami na iniikutan ng mundo mo.
Just lately na-invite ako sa google group ng mga batchmates ko nung high school, more than twenty years ko nang hindi nakita yong mga kaibigan ko na iyon, mula pa ng graduation namin. Ngayon ay ikaw na ang graduating sa high school. May parte sa utak ko na hindi ganap na matanggap na umabot ka na sa edad ko nung nakasama ko sila sa kasiyahan, kadramahan at pakikipagsapalaran sa buhay teenager.
I hope that life has been kinder to you and your friends sa panahon ngayon, that you heal better from your childhood and teenage woundings at walang psychological scars and emotional baggage ang maiiwan sa inyo sa kinabukasan. Life lessons lamang sana ang dadalhin ninyo into your adulthood.
Sana to some extent ay nagkatotoo ang kagustuhan ko na ma-enjoy mo to the fullest ang iyong pagkabata at pagiging estudyante, na hindi ka naging deprived sa life choices and opportunities to develop yourself and to enjoy life. At the same time hindi ka naman sana na-”shelter” masyado, na crippled ka nang harapin ang mga reyalidad ng buhay. It’s hard to balance na palakihin ka na may positive outlook sa buhay pero maging mapagbantay din ka sa pananakit at panlilinlang ng iba.
It helps na mabait kang tao, masaya ako na hindi ka naman lumaking salbahe o kaya ay nagpapasalbahe. Nagpapasalamat ako sa magandang pagpapalaki sa iyo ng Mama Gerrie at Tito Fabo mo. Nasabi ko na sa iyo dati na noon pa lang ay alam ko nang you’ll grow up into such a wonderful person. You’ll always be my daughter, my only child, pero it is nice na you’ve grown up as my friend too.
Sabi mo sa akin dati hindi ko kailangan mag-sorry sa iyo sa mga naging kumplikasyon sa iyo ng mga life choices ko. You are such a strong person, kahit iyakin, and very kind, especially to me, kaya naman mahal na mahal kita. Salamat po.
Love kita super, kahit hindi tayo nagkakasama parati ay sa iyo umiikot ang mundo ko. All the little things I do to try make this world a better place, I do it for you. I am so disturbed and worried that the changes that I want to see in this world na mamanahin mo are not happening as fast as I want it to. Sorry hindi na namin ma-reverse ang global warming, sorry hindi namin na-protektahan ang forest cover at mangroves na kakailanganin ninyo, sorry at nasa disadvantage pa rin ang kababaihan sa ating lipunan, sorry at laganap pa rin ang abuso at kahirapan. Sorry I’ve been an absentee father foolishly trying to make the world a better place for you and yet it seems hindi din ako makakabawi sa iyo sa larangang ito.
May pari dati na nagsabi na we all try to make this world a better place kasi this is in fulfillment of God’s work, we are instruments of the divine pero we could never finish God’s work in our lifetime, we do what we can and hope that others build upon what we are able to accomplish. I hope that you find your own place and peace in this world, your own designs, but never forget that you are part of the divine.
With all the mistakes I’ve made, I’m really not the best person to give anyone any advice, but feel free to draw on the lessons that I’ve learned in life. I won’t tell you how to live your life but let my stories guide you in your own journey. Intertwined our lives may be but we go on our own life paths, at times traveling along side and even crisscrossing each other. There will be times when we will journey far from each other, I won’t always be there with you every step of the way but I’ll always be looking over you, after you.
Kung saan ka man mapunta, wherever your dreams may take you, you’ll always have a home na mauuwian sa akin, you can come home anytime. Wherever you are, I’ll be home there too. Basta kung nasan ka man, always use sunscreen.
Iniluluwal lamang daw ng mga magulang ang kanilang sanggol sa daigdig pero hindi nila ito pagmamay-ari, ang bawat isa ay anak ng sanlibutan, a child of the world. I’ve been very blessed na ikaw ang salinlahi ng buhay ko. I’m proud to know that you became a better version of myself and I have you to thank for making me that better version of myself too. Kahit hindi na ako makapagtanim ng puno o makapagsulat ng libro, masaya na ako sa pamana ko sa mundo.
Ingats parati Ayi,
Super Labs, Papa Mel
P.S. Pang-hele ko sa iyo dati:
Buwan buwan hugis duyan
Ako’y hihimlay sa iyong kandungan
Buwan
buwan ngiti ng kalawakan
Isang hiwang pilak sa alkansyang kawayan
Thursday, February 28, 2008
kuwentong cubao
Monday, February 18, 2008
Thursday, February 07, 2008
kimchinovelas
si andie na nagkukunwaring guy (the cutest guy i've seen) ay nagsabing love niya si bosing arthur niya, na sa kalaunan ay nahulog na rin ang loob nitong si arthur kay andie (while isip ay guy si andie) so ngayon he's trying to grapple with the fact na nagkakagusto siya sa isang bading, which makes him a bading din (linya pa niya kay andie ay "ang hirap sa iyo kasi eh bakla ka, ako hinde, hindi ako bakla) na hirap siyang matanggap.
ang cliche na kwento diyan ay lalaking nainlab sa bading na nagkunwaring babae, eto iba, nainlab sa babaeng akala niya ay lalaki. ngayon, ang kadalasan takbo ng kwento na ganito ay ayaw na ng lalaki sa kinainlaban niya kapag nalaman niyang nagkunwaring babae lang pala na bading iyon.
eh kapag ganon din dito eh kapag umamin na si andie na babae talaga siya eh matatanggap ba siya ni arthur na after ng super tinding internal struggle na tanggapin na nainlab na nga siya sa isang lalaki ay malalaman niyang babae pala yon....
hindi na pwede di ba, kasi sa lalaki na inlab si arthur.... tsaka pwedeng i-twist na ayaw na din ni andie kay arthur kasi nabading na siya....
unless na bisexual na silang pareho sa sexual orientation, pero ganon pa rin, kahit bisexual ka eh panloloko pa din yong nainlab ka sa lalaki tapos babae pala yon, cannot be pa rin yon.
ang pinakamaganda, queer na lang, queer love story, all's well that ends well....
parang yong napanod kong movie dati na may character na lalaki na gusto magpa-sex change para kapag naging babae na siya eh pwede na siyang maging lesbyana, kasi mga babae ang gusto niyang ka-partner pero not while lalaki siya, gusto niya babae karelasyon niya na babae din siya, o bongga divah!
pero bakit ko ba pinapangunahan, makauwi na lang nga sa bahay at masubaybayan ano mangyayari, baka naman babae din talaga si arthur tapos kunwari lang din na lalaki siya na maiinlab sa akala niya lalaki pero babae din pala katulad niya.......ehmen!
Wednesday, January 23, 2008
Monday, January 21, 2008
connector
sa delgado hindi agad ako natingnan ng duktor kasi may nirerevive pa sila na matandang judge na bumigay after malagyan ng catheter. tinawag na lang ako para icheck-up nung pronounced dead na ang matanda na nakatalukbong pa ng kumot sa aking likuran nung tiningnan na ako ng duktor.
buti hindi pa ako na resetahan ng antibiotics nung nakita ko sila mhel, loi, malu, zeena, si jorge at si erpats. nakapag san mig light pa kahit trinatrangkaso na. nung pasko nag text greet ang isang taga balaod na nakatutok sa martsa ng mga taga sumilao, maligayang pasko daw at iboykot daw ang san miguel products .... hmmmmm ... patawa. kahit nga tatay kong di manginginom eh sarap na sarap sa pale pilsen.
hindi ako nakabili ng tapuy ngayon pero hoarding pa din ng kape, tig-kalahati ng benguet, kalinga, barako at arabica beans, hindi ko pinagiling, so kelangan ko ngayon ng gilingan. yong para kay aying pinagiling ko, nasa davao na ngayon sa kabaitan ni weng pero next week pa pala makukuha. sabi nga ni che eh parang forever naming ka exchange gift si aying. pagbalik ko ng cdo eh tatapusin ko pa ang magnetic poetry na bigay niya na nakadikit na all over the ref pero di pa nabubuo, parang R-18 na ang bahay namin pag natapos yon, sexual innuendo version kasi.
kita ko din si rea sa airport dahil halos nagsabay ng dating yong galing davao at galing butuan. magkakasama kami nila che nung disyembre sa bahay ni weng, lasing sa absolut mandarin. hirit uli yon ng gising na "nasan naman ako ngayon?". si weng nasuyod minsan mga kaibigan ko sa kamaynilaan pagbaba namin ng mining skillshare sa vizcaya, nung umaga pinuntahan namin si murin sa glorietta sa booths para sa social devt week kung saan nakita ko din si noel cruz, tas nakipagkita kami kay jorge na ginawa naming school bus para masalubong ang sumilao farmers sa simabahan sa las pinas kung saan nagpakita naman tatay ko, tapos nakita din niya si jazer at mga inaanak ko nung dumaan kami sa makati galing sa pagbili ng camera lens sa quiapo, tas nakipag-inuman kina jonal at marylis sa analog kung saan andun din sina boyet at bernie.
si murin nakita ko kanina, lunch kami kasama sila jonal at marilys. siguro malapit na ako mamatay at nagkikita kita na ang ibat ibang mga kaibigan ko. nasa kaisahan na si murin, dalawa at kalahating araw na, so magkasama naman sila ngayon ni che. ikot ikot lang. si erpats nga eh dalawa nakakilala sa kanya nung dumaan na yong martsa ng sumilao sa pwesto namin sa las pinas, kakilala pala siya ni kaka-cute. at nung nagkita-kita kami nila kitoy sa hidalgo sa quiapo nung gabi ay kilala din daw niya si erpats. kanina nakita ko din si mark ng mfdc, yong nagpatuloy sa dating ngo para sa plantation workers na sinimulan nila erpats dati. nakasama ni che si mark sa mfdc. si marylis nag-iisip na ding mag-apply sa kaisahan.
si murin dati kong kasama sa tambuyog na kung saan nandon si zeena na kasama ko naman dati sa tfd ncr kapareho ni ester na kasama ko ulit sa trabaho ngayon. sa tambuyog nakasama kasama din namin si JT na schoolmate ko sa high school kaya kilala din nya si jorge. si jorge na kinukumusta ni weng ngayon dahil kaarawan at makikita ko mamaya at tutulugan ng bahay. hindi pupunta si anthony na barkada din namin ni jorge nung elementary pa kasi nasa cavite na nakatira na minsan nagbigay ng gift sa akin thru his sister na nasa national office ng kompanya ng nanay ni che.
sa baguio may discussion ng climate change na binigay ni ateng, si ateng ay kaibigan ni niza at pinsan ng kasamahan ko dati sa UST na lately ko lang nahanap uli sa egroup ng mga tibak sa uste, kung saan kakapaimbita ko lang kay darleen na nakuha ko ang contact information bago kami umakyat nila weng pa vizcaya nung disyembre dahil nakita ko ang asawa niya sa UP. nakasama namin ni gerrie ang mag asawang yon dati sa isang bahay sa project 2 nuong bagong panganak pa lang si ayi. dun sa bahay na iyon sa sa project 2 ay nahanap ko uli si jazer dahil magkapitbahay lang pala kami. sabi ni jazer ay "batang kalye" daw ang urchin kaya ang sea urchin ay malamang "batang boulevard". nung nakontak ko si darleen ay ikabod ang tawag sa akin. sa baguio ay laking gulat at lakas halakhak si judy ng malaman niya kay ateng na ako pala si ikabod ng UST.
masarap talaga kapeng benguet.
Wednesday, January 09, 2008
orders for the year of the rat
1. watch the watch ...and follow it
2. liquidate before you drown
3. no more tears-o
4. credit is good, but we need cash
5. di nali-liquidate ang alcohol.
the year of the rat is also the international year of the potato, dig that.
fridge reminders:
1. siguraduhin na di bababa sa 3 ang supply ng beer sa ref
2. ang relasyon...pag tapos na....eh, tapos na....
it finally happened, during one xmas party i received 4 mugs and 6 cups ... go figure!
text wishes:
1. sunrise after the darkest of nights
2. friends who bring out the best in you
3. a love that makes you smile
4. belief that anything is possible
5. courage to do what you've been putting off
6. time for yourself
7. promises that are not broken
8. an answered prayer
9. a heart that forgives
10. a new year feeling all year round
11. a soul that heals
12. a good life and a healthy body