Hi Lorena,
It’s now 2:00 in the morning, tahimik na dito sa bahay except for the sound of the keyboard as I write. Sana makabalik ka na uli dito soon, the place looks a lot better now compared sa last time na andito ka, at malayo na mula sa itsura nuong unang punta mo. It’s a nice place to come home to, lalo at may plants na sa likod, at may mirror na rin nga pala para sa iyo.
Kagabi pinakita sa kin ni Che ang mga scanned pictures na nilagay ng Lolo Omeng mo sa isang CD, mga lumang prints galing sa ibat-ibang lumang albums. Halo-halo, may pictures pa nga lolo ni Lolo Omeng. May mga pics din dun nung maliit ka pa, baby at pre-nursery pics mo, nung panahon na tumatakbo ka pa para sumubsob ng yakap sa akin kapag nagkikita tayo. Nasesenti ako minsan dun sa panahon na iilan pa lang kami na iniikutan ng mundo mo.
Just lately na-invite ako sa google group ng mga batchmates ko nung high school, more than twenty years ko nang hindi nakita yong mga kaibigan ko na iyon, mula pa ng graduation namin. Ngayon ay ikaw na ang graduating sa high school. May parte sa utak ko na hindi ganap na matanggap na umabot ka na sa edad ko nung nakasama ko sila sa kasiyahan, kadramahan at pakikipagsapalaran sa buhay teenager.
I hope that life has been kinder to you and your friends sa panahon ngayon, that you heal better from your childhood and teenage woundings at walang psychological scars and emotional baggage ang maiiwan sa inyo sa kinabukasan. Life lessons lamang sana ang dadalhin ninyo into your adulthood.
Sana to some extent ay nagkatotoo ang kagustuhan ko na ma-enjoy mo to the fullest ang iyong pagkabata at pagiging estudyante, na hindi ka naging deprived sa life choices and opportunities to develop yourself and to enjoy life. At the same time hindi ka naman sana na-”shelter” masyado, na crippled ka nang harapin ang mga reyalidad ng buhay. It’s hard to balance na palakihin ka na may positive outlook sa buhay pero maging mapagbantay din ka sa pananakit at panlilinlang ng iba.
It helps na mabait kang tao, masaya ako na hindi ka naman lumaking salbahe o kaya ay nagpapasalbahe. Nagpapasalamat ako sa magandang pagpapalaki sa iyo ng Mama Gerrie at Tito Fabo mo. Nasabi ko na sa iyo dati na noon pa lang ay alam ko nang you’ll grow up into such a wonderful person. You’ll always be my daughter, my only child, pero it is nice na you’ve grown up as my friend too.
Sabi mo sa akin dati hindi ko kailangan mag-sorry sa iyo sa mga naging kumplikasyon sa iyo ng mga life choices ko. You are such a strong person, kahit iyakin, and very kind, especially to me, kaya naman mahal na mahal kita. Salamat po.
Love kita super, kahit hindi tayo nagkakasama parati ay sa iyo umiikot ang mundo ko. All the little things I do to try make this world a better place, I do it for you. I am so disturbed and worried that the changes that I want to see in this world na mamanahin mo are not happening as fast as I want it to. Sorry hindi na namin ma-reverse ang global warming, sorry hindi namin na-protektahan ang forest cover at mangroves na kakailanganin ninyo, sorry at nasa disadvantage pa rin ang kababaihan sa ating lipunan, sorry at laganap pa rin ang abuso at kahirapan. Sorry I’ve been an absentee father foolishly trying to make the world a better place for you and yet it seems hindi din ako makakabawi sa iyo sa larangang ito.
May pari dati na nagsabi na we all try to make this world a better place kasi this is in fulfillment of God’s work, we are instruments of the divine pero we could never finish God’s work in our lifetime, we do what we can and hope that others build upon what we are able to accomplish. I hope that you find your own place and peace in this world, your own designs, but never forget that you are part of the divine.
With all the mistakes I’ve made, I’m really not the best person to give anyone any advice, but feel free to draw on the lessons that I’ve learned in life. I won’t tell you how to live your life but let my stories guide you in your own journey. Intertwined our lives may be but we go on our own life paths, at times traveling along side and even crisscrossing each other. There will be times when we will journey far from each other, I won’t always be there with you every step of the way but I’ll always be looking over you, after you.
Kung saan ka man mapunta, wherever your dreams may take you, you’ll always have a home na mauuwian sa akin, you can come home anytime. Wherever you are, I’ll be home there too. Basta kung nasan ka man, always use sunscreen.
Iniluluwal lamang daw ng mga magulang ang kanilang sanggol sa daigdig pero hindi nila ito pagmamay-ari, ang bawat isa ay anak ng sanlibutan, a child of the world. I’ve been very blessed na ikaw ang salinlahi ng buhay ko. I’m proud to know that you became a better version of myself and I have you to thank for making me that better version of myself too. Kahit hindi na ako makapagtanim ng puno o makapagsulat ng libro, masaya na ako sa pamana ko sa mundo.
Ingats parati Ayi,
Super Labs, Papa Mel
P.S. Pang-hele ko sa iyo dati:
Buwan buwan hugis duyan
Ako’y hihimlay sa iyong kandungan
Buwan
buwan ngiti ng kalawakan
Isang hiwang pilak sa alkansyang kawayan
(letter written for ayi's retreat last january)