my two cents worth on the whole grp-milf-bje-moa-ad thingie:
Para sa akin ang unang lente na dapat gamitin sa pagtingin sa Agreement on MOA-AD ay ang mahabang proseso ng usaping pangkapayapaan at kasunod nito agad ay ang mas mahabang pakikibaka ng mga moro para sa kanilang right to self determination.
Sa simula pa lang ng talks ay magkasalungat na kaagad ang dating ng mithiin ng mga moro sa Right to Self Determination (RSD) at ang di bibitiwan ng GRP na balangkas ng kasarinlan ng republika ng Pilipinas. Parang walang agreement na lalabas mula sa mga panels na super bangga talaga ang frameworks.
Pero lo and behold, nagawa nilang nakahanap ng kompromiso, ng middle way, ng pag-aabot isipan, ng pagkakaunawaan – at ito ang patungkol sa maaaring maging teritoryo ng bangsamoro juridical entity - ang MOA-AD Agreement.
Dito pa lang dapat ikatuwa na ang pag-abot ng ganitong kasunduan, given ang haba na ng panahong itinakbo ng peace talks, at ang mga utak pulbura sa magkabilang panig na kating kati nang bumalik na lang sa bakbakan.
Ang problema ay ang mga lente na ginagamit kaagad ay walang kinalaman sa peace process at moro RSD – na kesyo gagmitin ito ni GMA para sa term extension, na tulak ito ng US dahil sa hegemonial interests niya, na sampal ito sa mga kristiyano at mga lumad dahil walang konsultasyon, na hakbang ito sa pag-gawa ng bagong Islamic state na kung saan ang mga mahuhuli ng adultery ay hahatulan ng kamatayan by stoning etc etc.
Sana ia-ppreciate muna ang MOA-AD as an agreement ng 2 pwersang magkatunggali pero sumusubok na payapang i-settle ang differences nila, syempre sa framework nila ifo-forge ang agreement. At pagkatapos ay timbangin sana ang MOA-AD agreement sa mismong nilalaman nito, hindi ng mga ibang kinakatakutang bagay na hindi naman nakasulat sa agreement o kaya ay walang kinalaman sa peace process.
Una ay wala namang sinasabi na hiwalay na estado ang gagawing teritoryo ng BJE, paulit ulit ang gamit ng “associative relationship” na hindi maaaring ma-interpret to mean separate statehood. (kung kay Atty Sol Santos pa ay parang US at Puerto Rico o at ng Palau, so hindi mawawala ang central authority ng GRP)
Pangalawa, tungkol sa konsultasyon ay hindi naman ito nira-ram through sa throats ng mga tao - after 6 months ay dadaan sa plebisito kung papaloob ba ang mga residente ng category A areas sa BJE, at after 25 years naman ang plebisito sa category B areas kung gugustuhin nilang pumaloob under the BJE. Kaya, idinadaan ang MOA-AD agreement sa right to self determination ng mga residente ng mga identified areas na minimithing maisama sa teritoryo ng BJE. Itong ay choice na hindi ibinigay ng American Colonial Government o ng Republika ng Pilipinas sa mga lumad at mga moro nuong basta basta na lang isinama under the Philippine territory ang mga lupain at resources nila.
Tungkol sa point of view ng mga lumad naman ….. tinanggap sa MOA-AD agreement ang assertion na sa “bangsamoro” ay magkakasama ang mga lumad at Islamized lumads under that concept, hindi lamang mga muslim ang bangsamoro – dahil sa appreciation na bound ang struggle ng dalawang grupo against the present set-up na sinimulan nga colonial government at pinagpatuloy ng successor nitong government of the Rebuplic of the Philippines, kung saan mula sa predominantly muslim and lumad population na Mindanaw, ay naging dominantly Christian ang populasyon at nawala ang control and access ng mga lumad at moro sa kanilang mga lupain at resources.
Talaga bang napakalayo ng pananaw na ito sa pananaw ng mga lumad? Pakiramdam ba ng mga lumad na mas under the GRP sila narerespeto? Mas nag-identify na ba sila ngayon sa GRP kesa mga descendants ng Islamized lumads ng Mindanaw? O hindi naman pero ihinihiwalay na talaga nila ang kanilang mga isyu, pakikibaka at sarili mula sa mga moro?
Parang nahihirapan ako isipin na mananawagan ang mga lumad ng pagbasura ng MOA-AD Agreement dahil sa hindi sila kinonsulta, o dahil sampal sa kanila ang pag-gamit ng Agreement ng salitang Ancestral Domain na dapat ay pumapatungkol lamang sa mga lumad.
Para sa akin, ang dapat na interventions ng mga lumad, at kahit na sinong grupo, NA ANG MITHI AY KAPATAPAAN, ay tingnan kung papaano papayamanin ang laman at proseso ng MOA-AD bilang isang PEACE AGREEMENT na magbebenefit ang mas nakakarami - na hindi nito nasasagasaan ang identity, pananaw at pakikibaka ng iba pang mga guropo at sector pero hindi naman bumabasura sa parehong mithiing RSD ng mga lumad at paninindigan ng GRP sa kasarinlan. (ung tungkol sa charter change eh me suggestions na surgical amendments or pwede din naming magyari ang charter change para sa peace process after 2010 dahil di pa naman tapos ang usapan, first agreement pa ito)
Bakit tingin ko ganito dapat ang intervention? Dahil ang daling bumalik ng giyera - ang daling bumalik ng barilan at bombahan at masaker at ebakwasyon at walang hanggang karahasan. Ang daming mga Kumander Bravo at Kato at mas marami ding utak pulbura sa gubyerno / AFP at kahit sa mga komunidad. Anong mensahe ang ibinibigay natin sa kanila kapag nanawagan tayo ng pagpbabasura ng kasunduang pangkapayapaan?
Kailangan bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Mas gusto nating may peace talks kaysa patayan, pero mababale wala ito kapag ibinabasura na lang natin ang mga peace agreements. Magtulungan tayo kung papaano nga ba maaabot ang kapayapaan para sa lahat ng tao sa Mindanaw.