Wednesday, November 03, 2004

si-en-en

bakit ko kailangang antabayanan ang kada minutong balita sa paghintay kung sino ang nanalong presidente sa estados unidos? anong value added ng ilang oras na buwena manong impormasyong ito bago pa ito ikalat ng mga diyaryo para sa kaalaman ng lahat?

at saka eleksyon ng mga amerikano yon, papakialaman ko ba boto nila? kung si bush ang nanalo eh what's new? di naman imposibleng manalo uli yong gagong yon dahil pinanalo na nila dati yon, mapapakita lang ka-flipan ng mga merkano.

kung si kerry naman nanalo... ano naman sa akin yon? ok, democrat siya at ayaw niya sa ginawa ni bush sa iraq, pero ang democrat na si clinton din naman ang nagmatigas sa embargo sa iraq noon na kinamatay ng maraming sibilyan. tapos, di lang naman iraq invasion ang badtrip na ginawa ng pamahalaang u.s. at wala namang sinabi si kerry tungkol sa maraming mga polisiya't programa nila na nambasubas sa atin at sa buong mundo.

kung sino man ang maging presidente ng u.s. sa sunod na apat na taon ay siguradong po-problemahin natin ang mga epekto ng pagkaluklok nito sa pwesto tulad ng mga nagdaan nang mga presidente ng mga merkano---- kaya, tangina, hihintayin ko na lang sa diyaryo.

No comments: