Noong sumubok magtanong ang tatay ko sa ‘spirit of the glass’ ng ‘mananalo ba ako sa sweepstakes?’ ay sinagot siya ng baso ng ‘bumili ka ng sweepstakes’.
Dahil tingin niya hindi siya tatama sa sweepstakes ay hindi siya bumili ng sweepstakes. Dahil hindi siya bumibili ng sweepstakes hindi siya tumama sa sweepstakes.
Si alfredo lim bumili ng sweepstakes, mayor na siya ng maynila noon ay nanalo pa siya sa sweepstakes. Tama ang baso, paano ka suswertehin kung wala namang pagkakataon para ka swertehin.
Sa susunod sa taon, enero hanggang disyembre 2005, bibili ako ng sweepstakes, tataya sa lotto at sasali sa mga pa-raffle. Mangungolekta ako ng mga tansan, foil, wrapper, sachet, magbabasa ng poster ads for details, pipirma ng mga sobre at iisa-isahin ang lahat ng mga drop boxes.
Pagkatapos ng isang taon magbibilang ako. Magbibilang ako kung magkano nagastos ko para malaman na wala talaga akong swerte. O kaya ay kung kung ilang bagong best friends at close relatives meron ako kapag tumama ako ng milyones. Mwahaha!
Thursday, December 09, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ikabod, ma pren, basta ako, di ka pa nananalo sa sweepstakes o lotto labs na kita. hehe..
hope, winston at alak.... hmmmmm, ok yan
hmm kaisa ako ni ikabod dito kahit na di ko naihulog ang ating guyito raffle ng PDI hehehehe sori
Post a Comment