Wednesday, April 27, 2005

sibuyas

sabi ni jorge grade 5, si jazz grade 4 daw, si vivian grade 3 naman... sina arlene at janet janet eh hindi na maalala kung kelan kami nagkaroon ng subject na philippine history sa elementary.

nooon kasing sabado ay napadaan ang bus na sinasakyan ko sa south super hiway at hinayaan ko na ring maging laman ng aking isipan ang pagkawala na ng dating magallanes theater doon.

naalala ko na doon ako dinala ng tatay ko para manood ng fiddler on the roof isang araw sa isa sa mga bakasyon noong elementarya. pagkatapos ng 'sunrise...sunset' eh pumunta kami sa katabing tropical hut at pinanood niya akong kumain ng hamburger.

tagal na yon, super noon pa. kasing tagal ng panahon nang panoorin namin ang star wars sa state theater sa avenida bago pa dumaan dito ang LRT, at kasing super noon nuong kumain kami sa sinaunang jolibee sa sta. cruz bago pa ito na-langhap sarap.

di naman kami iyong pamilyang malimit kumain sa labas, wala nga akong maalalang ganon, naaalala ko lang iyong ilang beses na magkasama kaming kumakain ng tatay ko sa kung saan, tulad ng pata tim sa restawrang intsik sa chinatown na kahit putik putikan ang pagpasok sa first floor eh biglang maayos at aircon pala ang pangalawang palapag.

naalala ko na inalis ko noon yong malaking onion rings sa hamburger ng tropical hut at naging hudyat ito para sa isang mahabang lektyur mula sa tatay ko tungkol sa kasaysayan ng pilipinas na sinimulan sa puntong dahil sa mga spices kaya naligaw dito ang mga kastila at kaya ganon ang pangalan ng sinehan na pinang-galingan namin.

pero introduction lang din pala ang lektyur na iyon sa gusto niyang mangyari na magsimula na akong magbasa ng mga textbooks na gagamitin sa susunod na pasukan lalo na ang red at blue na libro ni zaide.

kaya ko ngayon pilit inaalala kung kailan nagkaroon ng philippine history sa PCU elementary dahil ang pagkaka-tanda ko ay hindi ko nagamit ang textbook na iyon dahil iyon iyong panahon na nag-magic na lang at sa St. Paul Aparri na ako bigla nag-Grade 5 bago bumalik sa normal at nag-Grade 6 na uli ako sa PCU.

kaya haha, bale wala lektyur niya tungkol sa history, pero mahilig naman ako sa sibuyas hanggang ngayon.

5 comments:

eyed said...

nagutom ako bigla nang mabasa ko blog ko. parang masarap kumain ng onion rings ngayon saka patatim. alas-9 na di pa ko kain kasi yung ka-dinner ko ka-meeting nyo pa :)... galing ng tatay mo sa segue pero buti na lang pala di ka nagbasa ng zaide, hehe. naalala ko tuloy yung classmate ko na na-assign mag-report tungkol sa pre-historic philippines tas nag-interrupt yung prof kasi hinala nya sila zaide yung reference na ala daw kredibilidad -- at sila nga talaga.:)

click & crash said...

ngee... ibig sabihin pala ay matanda ka na. di pa sikat jollibee eh. :)

ikabod said...

eh naabutan ko ngang wala pa ngang lrt sa avenida eh, ilang tao ba kilala mo na nakaka-alala sa itsura ng avenida na hindi mukhang 'the bronx' dahil sa lrt na yan?

ikabod said...

at eyed... hindi ako ang ka-meeting ng ka-dinner mo non ha!

Jazz said...

grade 3 ako nung nag transfer sa PCU. Nalipat kami sa San Andres nun dahil tinangay kaming magkakapatid nang Nanay namin nang layasan niya ang batugan kong Ama. Pero mabalik tayo sa Philippine History nang elementary. Meron tayo noong all around na adviser-teacher din. Di pa uso sa baitang natin ang paiba-ibang gurong may specialy na subject. Ang adviser-teacher ko noon ay si Miss Villahermosa. Hindi tayo magkaklase noon dahil grade 6 na kita nakilala. Naalala ko noon na may pinabasa sa aming chapter tungkol sa History ng Pilipinas. Isa-isa kaming tinawag para tumayo sa harapan at sabihin kung ano ang natatandaan namin sa binasa namin. Marami akong pwedeng sabihin noon, pero dala ng aking kahihiyang tumayo't harapin ang buong klase, nag sa walang imik nalang ako't hinayaan ko nalang siyang magalit (si Villahermosa) at isisping wala akong binasa. Ang tanging nakapagsalita lang noon ay si Michael Alano (na kapit ni Joel Alano) dahil talagang makapal ang mukha non. Ang sabi niya ay ang unang dumating sa Plipinas ay ang mga Aetas, sinundan ng mga (ay nalimutan ko na) at ang pangatlo ay ang mga Malay na tumakas sa pamumuno na Sultan na hindi nila kasundo.
Nagkasundo't nagkahiwalay ulit ang magulang ko ng maraming beses. Nagpansinan silang muli 15 years after nang huling hiwalay nila nung high school tayo. Ngayon magkagalit ulit.