either sa mini-stop ng ceres o sa rebulto ng kalabaw ka bababa sa poblacion sa guihulngan, kapag gusto mo ng bibingka na may buko ay sa terminal ka bababa, kapag gusto mo makakita ng palaisipan ay sa doon ka sa rebulto ng kalabaw na nasa gitna ng dalawang malaking letrang "A" na pinagsasabitan ng logo ng munisipyo na nakapasok sa isang malaking gear na nasa ibabaw ng kalabaw, nasa harap ng dagat itong kalabaw na ito at nasa gilid ng bulwagan ng katarungan. merong christmas lights na nakasabit sa kalabaw.
ang kalye katapat ng kalabaw ay pinangalang quezon. kapag binaybay mo ito galing sa kalabaw ay may limang panaderya at limang sanglaan ito sa loob lamang ng dalawang kantong ilang metro lamang ang layo sa isa't isa.
katapat ng kalabaw sa kaliwang kanto ay ang stop over bakeshop, ang pinakamurang panaderyahan sa kalye quezon, pagtumawid ka sa kanan at naglakad hanggang sa dulo nito ay golden glo mts bakeshop na pinakamalaki naman ang matutumbok mo, meron ditong freezer ng selecta.
pagtawid galing golden glo ay bunggo mo kaagad ang park and go bakeshop na may upuang pang tatlong tao na matatapat sa malaking salamin, ilang metro lang ang layo nito sa canadian bakery and sari-sari store kung saan di pa ako bumibili ng tinapay dahil nakakalungkot ang itsura, mukhang dekada 50 pa. katapat nito sa tawid na kanto ang bagong bake easy bakeshop na tatlong linggo pa lamang ito pero marami na itong suki at mga kabataang dumadaan para sumigaw ng i love you sa long hair na bading na empleyado dito kapag gabi.
nagsiksikan katabi ng mga panaderyang ito ang cebuana lhuiller (your number 1 pawnshop), m lhuiller (numero uno ng bayan), palawan (with branches nationwide to serve you), rd (pawnshop and jewelry) at maria gracia (since 1983).
Tuesday, March 21, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ngayon me butalid bakery na at me isa pang ginagawa sa tabi ng park n go... pero buti pa sa gui merong 1 litro ng C2 na me apple at lemon flavor, ang sarap din ng carajay sa nilo's na me masarap na munggo din
Post a Comment