Wednesday, May 30, 2007

inbox

isang pahirap sa mababang memory na cfones eh madali mapuno ang inbox.

kaya kelangan magbura ng messages para makapasok ang mga bago.

eh hirap ako magbura ng mga last messages ng mga kaibigan, mapa-cfone o email.

hindi dahil sentimental ako na tao.

kundi dahil baka mamatay na sila at last message na nila yon sa akin.

hanggat maaari binubura ko lamang ang last mesage kapag me pumasok nang bago.

kaya kapag napipilitan akong magbura eh parati kong naiisip "paano kung last message na niya yan?" pakiramdam ko para ko silang pinapatay.

2 comments:

Anonymous said...

thoughtful mo naman ikabod .. ako, nawala fone ko. malas talaga. d ko inisip kinukuha na yung cel ko until bumaba sya ng sasakyan. d na mabigat dala ko when i checked .. regards

ikabod said...

text mo ako ha, kapag me bago ka nang mabigat na fone...regards din