Monday, August 30, 2004

mga binebenta ng bus terminal vendors sa byahe kong cotabato -davao

cotabato

pirated vcds
pirated shades (aalukan ka kahit me suot kang shades)
tabloids
nailcutter, razor, gunting (as a pack or tingi)
durian (hindi prutas but a rubber ring na me soft spikes -kaya durian- na isusuot sa titi)

midsayap

piaya (ewan kung bakit)

matalam

apa (na parang malaking taco shell)
fish crackers
puto
itlog (isahan o pack of three's)
mani

kidapawan

prutas (maraming fruit stands ikaw ang bababa para bumili)

digos

fish crackers
bibingka
itlog (curiously walang itlog ng pugo kahit saan)
ice water
dalandan (pero malamang hindi dalandan tawag nila kasi tagalog term ito na kahit sa luzon eh sa iba ay dalanghita ito, o naranghita na malapit sa kastila ng 'small orange', sa aurora ito ay sitrus na understandable dahil sa ingles na citrus pero ewan lang kung may kinalaman ito sa tawag nila sa mindoro na sinturis)

davao

tabloid na ang headline ay 'DDS victim's dad: I am not Dracula!'

No comments: