Friday, August 13, 2004

Q. Bok, saan nakaka-iskor ng piratang dvd sa mindanaw?

sa divisoria sa cagayan de oro, P75.
sa davao sa may mantex sa san pedro ang maayos na pwesto, P90
sa bangketa sa paligid ng gaisano ilustre meron din, P85
sa barter sa cotabato P100
sa palengke naman ng valencia sa bukidnon eh P120, ewan kung bakit.

Q. Maganda naman ang titles?

maganda selection sa divisoria, me kopya don ng 'bleu' at 'blanc, pero alang 'rouge'. yong ultraviolet na japanese film na 'versus' meron din, pati 'habla con ella'. me bb king in concert pati stevie ray vaughan na live sa austin city limits.

sa mantex, hindi kasing classic nong mga titles sa divisoria pero merong 'meaning of life' at 'life of brian' ng monty python. meron ding 'unpugged' ni clapton, at yong parehong G3 live na me eric johnson sa una at yngwie malmsteen naman sa isa. 'bowling for columbine' meron din pala don.

puro palabas naman sa sinehan kadalasan ang binebenta sa bangketa, hwag kang bibili non, dahil merong ding dvd copy na kinunan lang sa sinehan na me umuubo pa o tumatayo para bumalik mamya na me dala nang popcorn, kainis. at saka panoorin mo na sa widescreen kung maganda rin lang yong film, tapos kung hindi naman ganon ka-classic eh rentahan mo na lang sa video shop.

ang mga magandang pirated eh yong hindi ipinalabas sa sinehan at wala din sa rentahan, o kaya yong mga super asteeg talaga na di ka makakatulog kapag hindi ka nagkaroon ng kopya. kaya maganda yong mga concerts eh, kasi mauulit ulit mo si bob marley o si jimi hendrix, ilang beses mo ba kasi pwedeng ulit-uliting panoorin si gollum o si yoda bago ka mauwa?

sa barter eh nakakita ako ng 'y tu mama tambien'. sa valencia, walang kwenta titles nila don, nagbebenta na rin lang ng pirata eh ayaw pa ayusin.

Q. Mabuti me classic na titles, ano?

asteeg nga, merong john lennon na live in toronto nuong 1969 na gitarista niya si clapton, eh ni hindi binebenta sa astro vision yon. me mga kwela lang na pauso na pagsasamahin nila sa isang dvd ang 2 titles tapos ang pagsasamahin nila eh 'the piano' at 'the pianist' hehe, o kaya yong 'duplex' na ang kasama eh ' the human stain'! kwela tangna. meron pang 'osama' at saka 'escape from afghanistan' hwek hwek hwek.

me mga matinong anime din. 'graveyard of fireflies' na isinama with 'spirited away' ok na di ba?

pero kanya kanya namang taste yan bok, kung gusto mo ipunin buong serye ng 'police academy' o lahat ng palabas ni bong revilla eh sige, kung san ka masaya. teka, meron nga bang pirated na palabas ni bong?

Q. Malamang wala, kaya nga galit siya sa mga namimirata eh. Maayos naman ang kopya?

ok naman. tsaka parang napansin ko eh wala nang usapin ng region-region kapag pirated, kahit anong region pa ang original niya eh ok lang i-play kahit ano pa region ang player mo. naalala ko tuloy yong pirated na kopya ng 'buena vista social club' sa chatuchak sa bangkok na hindi ko binili dahil pang antarctica ata yong region non. sayang siyet.

yong pirated na vcd ang kakainis ang quality ng kopya, nakakasira ng araw at ng cd-rom kung PC ang ginagamit mo. Kasi dahil sa maramihan at madalian ang pagkopya ng mga ito eh ilang paikot lang ang pag-burn sa kanya ng nga namimirata, kaya yong player o cd-rom mo eh kelangan paikutin ng super bilis ang disc kesa sa normal na ikot para lang mabasa nya yong image. ganyan din sa pirated na audio. kaya ayaw na nang magbigay ng warranty ang mga nagbebenta ng cd-rom eh.

Q. So masaya ka na sa pirated na dvd?

lalo kapag nakakita ako ng kopya ng 'metropolis' o 'la dolce vita' o 'dancer in the dark' o 'urotsukidoji' o kahit anong kurosawa o yong 'jan dara' na palabas sa robinson's galleria sa maynila ngayon kaso asa mindanaw naman ako, demet, siyet.

2 comments:

che_me said...

ang mga pirated dvds galing divisoria ay talagang matino! kahit na magalit sa akin c edu manzano bbli pa rin ako dahil ang mahal mhal ng original....

Suyin said...

kahit san pala may pirated na. sa amin kaya sa bicol meron din? hmm...