Sunday, November 14, 2004

fried balut

seen at the waterfront hotel davao, ano ang nakakagulat sa picture?



ang presyo! nakita nyo ba yong presyo? wow hanep! baka mahal yong cashew, kasi mura lang ang balut eh. sabagay glorified kyuk-kyuk naman na me lime coco sauce pa. manginginom sigurado ang nakaisip niyan.

dito sa mindanaw wala pa akong nakitang kyuk-kyuk o tokneneng, walang orange egg man!! bummer. miss ko tuloy overpass ng quiapo o entrance sa PUP pucha don ata ako nagkahepatitis eh, sa kakakain ng orange egg nuong estudyanteng aktibista pa ako.

minsan sa isang inuman dati sa riles sta mesa eh naglatag ng pulutan na sangkatutak na balut na tinanggalan na ng balat at tinadtad na me kasamang sibuyas at sinabuyan ng suka, hanep, mukhang propaganda material ng mga anti-abortionists! kwela naman kapag lasing na.

pero di ko type yong kyuk-kyuk, yung balot na binalutan ng arinang kulay orange. ewan bakit, para kasing ganlalaki na ng kuko at tuka. kaya di rin ako kumakain ng day old eh. yong kapatid kong babae na kinamanghaan kong kumakain non dati eh nagtigil ang hilig sa balut nuong napahigop siya ng sabaw ng itlog na balut na di pa naluluto.

badtrip talaga kalidad ng street food dito sa atin eh, di tulad sa bangkok na asa kultura nila ang pagtinda at pagbili ng pagkain sa kalye. kaya sigurado kang edible ang tinitinda. dito badtrip ka kapag me insekto pagkain mo, doon nga insekto mismo ang binebentang bilang pagkain, nakakain ako don nuong parang matatabang hantik. sa cambodia ako tumikim ng itsurang ipis talaga, snack ng mga tao sa barge.

sa tapat ng UCCP hostel sa butuan naman eh merong exotic foodshop, mga palaka, bayawak at sawa. ang sales pitch parati nila eh masarap daw parang manok, pero ano pang exotic don kung lasang manok lang pala! and ale lumalabas na exotic eh yong manok kasi lasang sawa!

bukas kakain ako ng puto maya sa palenge sa valencia, bukdinon, at siguradong aasarin ko na naman sarili ko dahil alam ko nang walang kasabay na mainit na tsokolate don di tulad sa dumaguete na kung saan panghihinayangan ko naman ang malapot na tsokolate sa palengke nila dahil walang churros!

teka ang meron dito sa davao ay tuna chicharon! hmmmm... maka-iskor nga!

3 comments:

bananarit said...

anong kyuk-kyuk ang pinagsasabi mo? diba kwek-kwek yun?

ikabod said...

ay oo, kwek kwek na nga pala yon, kyuk kyuk kasi tawag ko dati don eh.

eyed said...

uy, nahilig din ako sa day old ( sa may tapat ng san beda naman) pero buti na lang nauna akong magsawa kesa magka-hepa :)

meron palang exotic foodshop sa butuan - mapuntahan nga next tym. napansin mo ba na maraming bakeshop dun? yung isang block lang sa tapat ng plaza mga 15 agad nandun. weird.