tatlo ang pinanood ko sa mmfilmfest, itong aishite imasu ang pinaka matino. nanalo si dennis trillo ng best supporting actor para sa role niya na inyang, eh sino pala ang lead actor sa aishite imasu, si raymart? HA? eh kahit kay juday ay mas mukhang lead actress pa si dennis!
maganda din iyong sigaw, dahil may nakakuha na rin ng ideya na hindi lamang hollywood style horror films ang patok sa pinoy kundi pati ang mga katulad ng ju-on at ringgu na galing asya at los otros o the others na si alejandro amenabar ng espanya ang nag-direct.
yong panaghoy sa suba ay maganda dahil binisaya ang salita, labas doon ay wala ng maganda pa sa pelikulang yon. hindi ba nakakaloka na best film ang mano po 3 pero best director si cesar montano? parang - "o ikaw ang best director pero ang yong ginawa ni joel lamangan ang pinakamahusay na pelikula ha?"
maganda yong sinehan sa gateway mall cubao na pinagpanooran ko ng mga palabas sa filmfest. sayang at nalaman kong may polisiyang elitista o matapobre pala itong gateway mall.
No comments:
Post a Comment