Monday, January 24, 2005

a letter to myself

hi ikabod,

you look good today, although you really need a haircut na. i know maikli pa rin hair mo pero mukha ka nang sisiw ng balut, other than that you look good today ikabod.

itutuloy mo pa ba ang pagtaya sa lotto? hindi mo pa ba tanggap na malas kang tao? eh di mo pa nasusubukan swerte mo ay nawalan ka na naman ng wallet last saturday, the second in just eight months, mwahaha! pakaskas mo na balat mo sa pwet!

at di lang sa pera, pati caritas card mo na kasasabi lang ng bwiset na taga caritas clinic two weeks ago na sa pebrero ka na magpa check-up kasi sa january 30 pa validity nito ay di na umabot ng katapusan! siyam na araw na lang nawala pa!!

pero ok lang yan di ba? shit happens.... mas madalas lang sa yo.

tulad ng kahit anong pag-sigurado mo wala kang maiwan sa flight mo galing manila eh di mo pa rin nadala yong vcd ng my sassy girl na pamasko ni che galing kay schasa.... at kahit na isang araw nyong ginalugad ni len ang lahat ng boticang intsik sa binondo para sa golden dragon oil na bilin sa yo ng tatay mo eh tatanga-tanga kang nag-akalang nasa bag mo lang yon hanggang ma-text ka ni len na nasa ilalim pala ng kumot sa kama sa bahay nyo.

ngayon eh asa bus na pala tatay mo pa-davao bago mo na text na ikansel na byahe niya dahil wala yong dragon oil, kaya maghihintay pa rin sa yo yon don kahit para sa sinturon mo na lang na maganda daw sa bundok. bukas pupunta ka pa sa cidg davao kasi inaalam daw ng imbestigador sa pagpatay kay rashid kung sino yong nasa picture nila na me hawak na megaphone sa indignation rally dati laban sa mga salvagings sa davao, eh ikaw iyon!

kagabi naman ay may balita na baka mapurnada pa ang request mo nang transfer ng trabaho pabalik manila ng february 1 after nyong magpaalaman ng mga kasamahan mo sa mindanaw.

oh if only you could kick yourself in the head... buti na lang bata ka pa ay nabasa mo na yong "life is never that bad that it could not get any worse" at parati kang nasasabihan ng tatay mo nang "who ever said that life is fair?"

well.... buti di ka masyadong maramdamin at pwede nang pambawi sa malas at kabwisitan ang mga bagay tulad ng pag-iskor ng i stand alone na piratang dvd sa palengke ng valencia at puto maya sa umaga.

di pa rin tapos birthday mo, mhel just greeted you sa ym kanina ay pagbalik mo ng manila you'll still celebrate with ayi kasi binulutong siya when you had your bday in manila. nagpost pa si richie sa blog niya para sa kaarawan mo (bukod sa shirt na bigay nila ni i) , at napagsama-sama mo pa ang matagal nang di nagkikitang aying, malou, jonal, lisa at zeena sa muang thai for dinner with you and len. tapos till now thrilled happy ka pa rin sa greeting ni len na "thanks for being born during my lifetime" kahit na di mo nailigpit ang card na binigay niya.

huwag ka na lang muna siguro magligpit ng gamit habang di pa tapos bot meeting tungkol sa transfer mo sa manila para di ka mamatay sa alaska... labs ka naman ng mga tao mapa-minda ka o manila, ganon din sa mga taong hates ka, kahit san ka magpunta eh hate ka nila. ang original namang usapan ninyo ni len ay december pa kaya ok lang. wag ka lang sigurong pakalat-kalat sa davao dahil me picture ka na sa cidg at 32 na ang napatay ng davao death squad for this year, at january pa lang ha!

jeez, wala bang epekto ang mga protesta ninyo sa summary executions? don sa poll ng bbc sa 21,000 na tao sa 21 countries kung ang re-election ni george w ay better ba sa security ng mundo, kasama ang pilipinas ng poland at india sa only countries na positibo ang tingin kay george w, hindi ba medyo sampal yon sa lahat ng anti-war campaigns at peace education efforts at anti imperialist propaganda na ginawa ng buong progressive movement sa pilipinas? hawhawhawhaw!!!

di ka ba napapagod? meron na ngang tumatanggi sa serbisyo nyo hehe. tapos ang laki laki pa ng expectation sa inyong mga human rights-human rights, kelangan gender sensitive, religious, dapat tree hugger, kabisado ang universal declaration of human rights, nagliliquidate ng cash advances on time kung hindi ay magkakasala sa taongbayan, dapat malinaw magsalita, dapat huwarang mga magulang at mga anak, kelangan mabait, hindi nagmumura, hindi malibog, hindi naglalasing, hindi nagtsi-tsinelas....

ooops sowry... sige good thoughts... good thoughts..... ah......

matuloy ka sa maynila o hindi ay kumain ka ng chicken siopaw sa davao, wala sa maynila niyan. magpa thai massage ka sa tanton, foot tsaka body. bilhin mo na yong x-men special na danger room battle archives na P160 lang sa gaisano valencia. kain ka ng crispy hito sa madayaw at order ka na rin ng isol. kung mapupunta ka ng cotabato ay sige mag papaitan ka.

sabihin mo kay kahlil na alam mong siya ang pinakama-bait na bata sa buong mundo.

sabihin mo kay ayi na ngayon pa lang she's already this great person that you've always known she will be.

text mo na rin nanay mo na mahal mo siya kahit na di ka titira sa kanya. sabihan mo tatay mo pag nagkita kayo mamata na mag-ingat parati, matanda na e pasaway pa. text mo mga utol mo kung kumusta buhay.

tanong mo kay richie kung ano ibig sabihin ng maangas, sabihan mo si sascha na ngumiti sa pag-itan ng pagiging maramdamin. paalam mo kay misty na gusto ni aying na masaya siya kasi good person siya. sabihan mo na rin si chit na mag-ingat sa canada, malamig don. good luck na rin kamo kay bingboy. ipatago mo na rin muna ang credit card ni jerome at baka magkabaun-baon sa utang yon. sabihan mo si christy na huwag niyang pakawalan si daburns. mag-happy birthday ka pala kay au sa 29. (kamo sa iba wish mo lang na di sila matampuhin kung di mo maisulat pangalan nila)

sabihan mo si rita na huwag magtagal masyado sa office at kumustuahin mo sila ni clau. wish mo si idak na magka-syota na ulit. itext mo si daniel na huwag kalimutang mag-ingat at bumili ng pasalubong galing india. sabihin mo kay det na ikumusta ka kila noel, kuya, baby, kay nanay at tatay, sa mga utol niya, kay tiyo at tiya, kina el-el, em-em at gigi (?). pasalamat ka rin kay cheryl na nagbigay sa yo ng semblance ng home sa gitna ng kabundukan ng mindanaw. text mo si danilo na kitakits na lang whenever.

text mo yong mga kaklase mo nuong elementary at high school, makipagkita ka uli sa kanila.

sige gawin mo yan, tapos taya ka sa lotto, baka manalo ka.

at magpagupit ka na rin.

i labya majora, iks

2 comments:

bananarit said...

dear ikabod,

dapat talagang ituloy mo pagtaya sa lotto kasi diba, dapat kang tumaya para manalo. at dapat kang manalo para mabalatuhan ako, diba?

at tama ka, labs ka ng mga tao mapa-nasa manila ka o minda (pero sana manila, hehe). pero habang andyan ka sa minda, lalo na sa davao, doblehin mo pag-iingat at wag mong binabalandra pagmumukha mo dyan.

labya,
richie

che_me said...

ang galing at nasubukan mo nang sulatan ang sarili mo.. i mean para kasi sa akin kung minsan madaling mag comment at mag remind sa ibang tao ngunit medyo di ganun kadali pagsabihan ang sarili mo.... :)

labs ka namin lahat dito sa mindanao at tunay na me kaibahan kung ililipat ka na ngunit gaya ng nasabi namin mas magiging masaya kami kung ikaw din ay masaya... sa ngayon eh i cross muna natin ang ating mga fingers na sana eh wag mapurnada ang application mo....

medyo inis ako at di mo dinala ang sassy girl cd na galing kay sascha......

at nakakalungkot na sa pangalawang pagkakataon na kasama mo na namn ako eh nawalan ka na namn ng wallet!!!