Thursday, June 30, 2005

kumusta kay san pedro

this day last year, napaisip akong kwelang habang unti-unti na akong nalulunod at kumakaway ng saklolo eh nakangiting kinakawayan naman ako ng mga kasamahan ko na akala ay enjoy na enjoy ako sa paglubog-ahon sa tubig dagat sa baliangao. isip ko eh, so ganito pala ako mamamatay, na masaya silang kumakaway sa akin.

itong buwan na ito, two years ago ay nakasama ko si girlie sa isang DAR consultation sa cagayan de oro, kasama niya nanay niya na ipinasyal namin sa nakakahingal na eco-park something sa cagayan. di ko na nakita uli si nanay after that dahil nauna na siya pagkatapos siyang masabit ng school bus nitong simula ng 2005.

naging sunod-sunod na ang mga namatayan - tatay ni salome, nanay ni misty, tatay ni atty. bombi, lolo ni daniel, lola ni idak at ang tatay ni jerome. balak sana umuwi ni jerome sa ipil nuong pagkatapos ng training sa dumaguete kaso pumalpak yong kwentada sa budget kaya di siya nakasama sa dumaguete. kaya nuong nakauwi siya eh libing na ni tatay.

me pambawi naman, dahil ilang oras pagbalik niya ng maynila ay nanganak naman finally ang asawa niyang super-overdue na. suspense agad dahil ayaw umiyak ng bata kaya bitbit kaagad ni jerome ang baby habang angkas sa likod ng scooter papunta sa bahay ng kumadrona dahil di nadala ang gamit na kailangan para sa ganoong sitwasyon. umiyak naman, kaya kasama na natin ang pangatlong maria ni jerome na si jea anacleta (from lolo anacleto)!



meron ding mga kasama pa natin pero muntik muntik na, tatay ni xty na isinugod sa ospital (halos kasabay nuong asa ospital tatay ni bombi), si cheryl na nakipag kead-on collission sa truck ang bus na sinasakyan, si castor na binaril ng mga would be assassins na style DDS sa tacloban, at si max na asa heart center pa rin ngayon.

muntik na rin ako uli - at si ayi at kai at len at ina at lisa at jonal at iba pang pasahero - nuong pasko ng pagkabuhay, nuong muntik sumadsad sa dagat sa pagkakabiglang liko ng sinasakyan naming 'boat' galing marinduque.

pero ngayon, eto pa rin, isang taon na nga ang blog, at gumawa pa ng bago.
sige, hanggang sa sunod na taon uli.

Sunday, June 26, 2005

accidental photoblogger

there's a whole lotta bloggin goin on sa national office! everybody's waiting for the latest post sa ratatitat journals as well as nag-aabang kung anong klaseng blog kaya ang mangyayari sa blog!...aray! and makatang lito.

dahil dito, i made a new blog! the accidental photoblogger, no long posts, only pics, check it out sa ikabodikpics.blogspot.com.

Friday, June 24, 2005

oh....spurs....woohoooo! spurs!

hokey, this is so me, kung sino kakampihan ko e yon ang matatalo. kung sino gusto kong maging masaya eh siya'ng olats sa huli.

oh well, kung isang serye naman titingnan ang finals eh outscored ng pistons ang spurs ng 607 - 594. nagawa nilang dalhin sa game 7 ang spurs kahit natalo na sila sa unang 2 games. tinambakan pa nila spurs ng 102-71 sa game 4. in the process ay gumawa pa pistons ng nba finals record sa lowest turnovers na 4 at pinakitang hindi invincible ang spurs sa homecourt nila kahit na game 6 pa. kahit hindi sila nanalo mas devastating yong mga losses na ginawa nila sa spurs.

love ko ang pistons!

Thursday, June 23, 2005

the finals

with only a few hours to go, napagkaisahan ko na - GO PISTONS GO!!!!! WOOHOOOHOOOOO!!!!!

Thursday, June 16, 2005

irreversible

bakasyon! Posted by Hello


i’ve been back sa office for two days na, i wish i could get back to work na rin. sabi ni richie mga 3 days pagbalik sa aming bakasyon before she did anything really productive. eh bumalik siya ng mas maaga kesa sa akin, so siguro mga one week pa akong spaced out.

richie, che and i had our vacation leaves together, magkakasama kami sa dumaguete, apo island, siquijor, ozamis at cagayan de oro.

sarap buhay kahit ubos pera. sulit yong salary loan ni richie. 11 days na walang palya sa red horse at strong ice. nakainom pa si richie ng tuba sa siquijor at tumungga ng red horse sa laot ng ozamis sa hating-gabi. nakapag-snorkel pa siya sa marine sanctuary ng apo island, asteeg.

funny iyong time na nakasama namin si rommel y at idak sa coco amigos sa dumaguete, lahat pala kami eh nakatanggap mula sa aming mga karelasyon o naka-relasyon, ng iba’t-ibang versions ng “masaya ka diyan habang andito ako nalulungkot” or “andami mo nang napupuntahang hindi ako kasama na nag-e-enjoy ka” hehe.

comic relief para sa amin na we all share the same fate pala. ang isa pang nakakatawa eh yong different versions ng “pag-isipan mong maigi kung bakit galit ako sa iyo, pag-isipan mo!”

kaya ayon, halos autistic na si idak sa kate-text. si rommel y naman ang unang nagkaron ng long and dramatic phone call, then ako na tatlong mahahabang installments, tapos si Cheryl na me matching hagulgulan pa sa kakalyehan ng dumaguete. si richie naman eh nakataas parati ang kilay at ilong sa naka-ambang “mag-usap tayo pagbalik mo ng maynila”.

pagbalik maynila eh wala naman palang pag-uusapan sila richie at i, pinapatapon lang yong picture namin ni richie sa silliman farm na magkayakap kami sa higaan. sabi ni cheryl nag-text na raw si gordie na pagkatapos ng ilang buwan ay finally tanggap na raw niyang hiwalay na sila. ok na rin kami ni len, kasi nagdesisyon kaming friends pala kami kesa mag-asawa o magkarelasyon. si rommel y eh inaway daw ni apple habang nakikipag-inuman siya sa isang matandang babae sa boracay at hanggang kahapon ay di pa sila nagkikita. sabi ni richie pagkatapos daw ipakita kay erwin ang mga pictures namin kasama si idak ay nagsabi lang daw ito ng “nag-enjoy talaga kayo doon ano?”