this day last year, napaisip akong kwelang habang unti-unti na akong nalulunod at kumakaway ng saklolo eh nakangiting kinakawayan naman ako ng mga kasamahan ko na akala ay enjoy na enjoy ako sa paglubog-ahon sa tubig dagat sa baliangao. isip ko eh, so ganito pala ako mamamatay, na masaya silang kumakaway sa akin.
itong buwan na ito, two years ago ay nakasama ko si girlie sa isang DAR consultation sa cagayan de oro, kasama niya nanay niya na ipinasyal namin sa nakakahingal na eco-park something sa cagayan. di ko na nakita uli si nanay after that dahil nauna na siya pagkatapos siyang masabit ng school bus nitong simula ng 2005.
naging sunod-sunod na ang mga namatayan - tatay ni salome, nanay ni misty, tatay ni atty. bombi, lolo ni daniel, lola ni idak at ang tatay ni jerome. balak sana umuwi ni jerome sa ipil nuong pagkatapos ng training sa dumaguete kaso pumalpak yong kwentada sa budget kaya di siya nakasama sa dumaguete. kaya nuong nakauwi siya eh libing na ni tatay.
me pambawi naman, dahil ilang oras pagbalik niya ng maynila ay nanganak naman finally ang asawa niyang super-overdue na. suspense agad dahil ayaw umiyak ng bata kaya bitbit kaagad ni jerome ang baby habang angkas sa likod ng scooter papunta sa bahay ng kumadrona dahil di nadala ang gamit na kailangan para sa ganoong sitwasyon. umiyak naman, kaya kasama na natin ang pangatlong maria ni jerome na si jea anacleta (from lolo anacleto)!
meron ding mga kasama pa natin pero muntik muntik na, tatay ni xty na isinugod sa ospital (halos kasabay nuong asa ospital tatay ni bombi), si cheryl na nakipag kead-on collission sa truck ang bus na sinasakyan, si castor na binaril ng mga would be assassins na style DDS sa tacloban, at si max na asa heart center pa rin ngayon.
muntik na rin ako uli - at si ayi at kai at len at ina at lisa at jonal at iba pang pasahero - nuong pasko ng pagkabuhay, nuong muntik sumadsad sa dagat sa pagkakabiglang liko ng sinasakyan naming 'boat' galing marinduque.
pero ngayon, eto pa rin, isang taon na nga ang blog, at gumawa pa ng bago.
sige, hanggang sa sunod na taon uli.
Thursday, June 30, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Buti na lang dine-dedma ka ni San Pedro.
Post a Comment