friday na, di pa ako nakakain ng munggo.
pero palabas pa rin ang CRASH. pwede pa humabol ang di pa nakakapanood.
balik na ako sa national center, mula tuesday ng hapon eh sa eurotel ako nagtrabaho, ginawa kong office ang rm. 525 na me view sa farmer's plaza na inuulan ng tatlong araw.
me natutunan akong masarap gawin, magshower na nakahiga sa bathtub. actually kwela rin na nakalubog sa bathtub tapos nakabukas yong shower.
channel 100 ang asian adult channel sa eurotel, channel 106 naman ang american/ european. yong channel 100 eh naka-connect sa PC kasi me cursor pa. minsan kapag tamad yong operator eh nakaminimize yong screen at makikita mo pa ang desktop screen.
me libre na namang live jazz mamaya, mishka adams and the blue echoes uli. pero sa gateway naman, hehe kaya libre pala kapag tumambay ka lang na nakatayo, mapapa-gastos ka din kapag gusto mong umupo kasi sa cafe havana o sa italiani's ka uupo. sayang yong aug 27 cookie chua with infinity, demet, me kasabay na prosecution conference sa ilo-ilo.
meron ding screening sa bukas ng hapon ng willy wonka and the chocolate factory, yong naunang version na si gene wilder ang gumanap ng willy wonka.
yong DEKALOG ni kryzstof kieslowksi ay palabas pa rin sa sm megamall. 10 storya na base sa ten commandments na ginawa ng direktor ng bleu, blanc at rouge. bale 5 films na me tig 2 storya.
wish ko lang makapanood ako eh hanggang leeg ko ang kelangan ko pang isulat na trabaho. hintayin ko na lang lumabas kopya sa quiapo. mamaya maghahanap ako ng munggo.
Friday, August 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
sa titus pala yong screenign ng willy wonka and the chocolate factory bukas, pati ng l'appartment nina monica bellucci at vincent cassel
kaninang tanghali, may munggo kina mommy sa tapat. may libre pang pepsi kasi birthday nya. pero di ka naman umiinom ng softdrinks, kaya ok lang. pero sana may maabutan ka pang munggo sa hapunan.
sino yung infinity na sinasabi mong makakasama ni cookie chua, e ang nakapaskil sa gateway e affinity. sa bagay, pareho ko palang di kilala, kaya wala namang diperensya sa kin kung ano talagang pangalan nya (o nila).
oo nga, affinity, me nakalabas na silang cd sa odyssey
ahh.. yun pala ang kaguluhan ng friday night sa gateway. si mishka adams at blue echoes pala dapat yun (akala namin eh parokya ni edgar). sobrang dami ng tao ha pero mukhang di natuloy kasi nga may kaguluhang naganap, kung ano mang kaguluhan yun di na namin inalam basta kalat-kalat ang mga tao sa lansangan at walang tao sa stage.
Post a Comment