i saw mishka adams and her band sa bistro 70s two tuesdays ago, galeng. jazz na pala ang tuesdays ng bistro. we should count our blessings pagdating sa accessibility ng world class music acts sa atin. for P150 pesos pwede ka nang makarinig ng live jazz, sus me consumable amount pa para sa pagkain.
ang mahal kaya ng kelangang ibayad sa north america at europe para makarining ng kasing calibre ng the jerks. eh dito P100 entrance lang. ganun din dati nung pinanood ko ang lampano alley, shites, ang mahal kaya pumasok sa blues bars sa ibang bansa.
another thing that we should be thankful for - the price of beer. magkano lang dito sa mga pwestuhan, P35 ang pale, kahit light. eh sa bangkok nga 90-150 baht ang isang bote ng beer. at...AT san miguel pa ang beer natin!!
galing ng live jazz, demet. to the uninitiated: what the musicians do is go through the regular rendition of the song and then lalarga na sila isa-isa sa pag improvise, halos di mo na makikilala ang song pero yon pa rin yon, parang platform lang yong song para lumipad sila, and then after nilang pumunta kung saan saan they all go back to the song. clap clap clap!!! whew.
Thursday, August 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang galeng ni sammy asuncion, ang ganda ni miska at blessed pa :)
Post a Comment