Wednesday, February 22, 2006

really old and the feeling old

as usual lost command na naman ako noon, di ko alam kung nasan ang mga tibak sa kolehiyo, kaya kasama ko tatay ko na ngayon ko lang napag-iisip na lost command din nuong mga panahon na iyon, dahil bakit di siya nakahanay sa lugar ng mga titsers noon, bakit dalawa lang kaming nagpunta sa edsa noon, hindi kasama mga kasams?

nmiss ko ang aksyon at drama sa mendiola noon, kaya ang nangyari lang sa akin ay natulog sa edsa at pag-gising ko eh umalis na si makoy, kaya pinagtawanan ng nanay bko ang kumplikadong rebolusyon na pilit pinapatanggap sa kanya ng mga aktibista.

yon lang ang ala-ala ko noon, at yong nakaupo kami ni larry, na kasama kong tibak sa high school, sa ilalim ng puno sa malacanang na kumakain ng mami noong panahon na bukas pa ang palasyo pagkatapos ng looting doon at bago ito gamitin ni cory. malamang di na naman kami pumasok sa klase non para lang makatambay sa malakanyang. daming tao noon.

masarap yong mami na yon, naalala ko.

2 comments:

che_me said...

hmmm mas maayo man na tigulang na ka at least daghan na ka naagian ug nahibaw-an :)

ikabod said...

ang naagian siguro pero dili tingali sa nahibaw-an