- papunta ako ng airport para sa flight papuntang cebu at P400 lang pala laman ng wallet ko
- kinain ng atm machine ang aking atm card dahil sa 3x wrong pin
- naubos oras ko sa proseso ng pag-retrieve ng atm card kaya hindi na ako umabot sa flight ko
- dahil hindi ako naka-withdraw ay hindi ako makapag-rebook ng flight
- naisipan kong mag fund transfer sa isa pang atm account pero ayaw tanggapin sa machine ang atm card dahil sa magnetic strip problem
- takbo ako sa isa pang expressnet machine na tumatanggap sa aking flip na atm card pero 2x nag-wrong pin
- nag fund transfer na lang ako sa e-cash card ni ayi pero hindi ko siya ma-text o matawagan dahil biglang ayaw gumana ng asterisk key sa aking cellphone na kailangan para ma-unlock ang keypad
- kinailangan kong puntahan sa muntinlupa si ayi at gisingin sa pagtulog at biglain sa landline na nasa labas na ako ng kanilang subdivision at kinakailangan ko siyang dalhin sa festival mall para magamit ang e-cash card niya
- pagkatapos ma-withdraw ay kailangan ko pang magbayad ng P350 para lang maayos ang keypad ng cellphone para makapagtext sa nasa cebu na hindi ako makakarating sa araw na iyon
- umasa pa akong maaalala ko ang pin ng aking atm card kaya hindi ko pa linabas lahat ng laman ng account, ang pagkakamaling ito ay nagdulot ng isa pang serye ng mga malas na pangyayari apat na araw pagkatapos nito
Sunday, June 04, 2006
a series of unfortunate events
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment