Monday, August 28, 2006

ano ang nangyari kay ed tiotioen?

sa mga kasamahan ko sa USTe:

nakita ko yong pic sa wake ni ed tiotioen, nagulat ako dahil hinahanap ko talaga siya sa messages and pics, iyon pala ganon na ang pic niya. ano ikinamatay ni ed?

naalala ko noong magfa-facilitate ako ng ilang topics ng SKM eh si ed ang nagpabaon sa akin ng pag-gamit ng visual aid ng "structure-superstructure" para mapadali ang diskusyon.

ginabi na kami ni bong (educ) pagkatapos nong SKM na iyon at dahil siguro sa kapraningan ni bong na makitulog ako sa bahay nila sa tondo pagka-galing sa ED - eh sa luneta na lang kami napadpad para magpalipas ng gabi.

ayon hinuli kami ng pulis for vagrancy HAHAHAHA.

habang nira-roundup ang mga natutulog sa luneta eh busy akong nagpupunit ng mga ED materials na itinatapon ko sa ilalim ng upuan ng fiera ng pulis. pagdating naman namin sa presinto sa likod ng rizal grandstand ay isinuksok ko sa isang filing cabinet ng mga pulis ang facilitation manual ng SKM. sayang talaga yong manual nayon kasi pamana na sa akin yon, di pa nga SKM ang nakasulat eh, SKP pa. gulat siguro ng pulis na nakakita non. at yong taga-linis ng fiera nila.

ayon, kaya ko naalala si
ed tiotioen.

ikabod

3 comments:

che_me said...

kakilala mo pala si ed? kasi nalala ko pa na napnood ko sa tv ang balita tungkol sa pagkamatay niya pinakita pa nga ang video ng nakabulagta at duguan niyang katawan.... tapos nung nangyari nag no comment pa ang pamunuan ng miaa ayaw pang magpa interview.. pero me mga kasamahang ayaw humarap sa camera na nagsasabing mtagal na nga ang naging hidwaan ni ed at nung pumatay sa kanya. sayang di na kayo nagkita ulit ikabod uso pa naman ang kumustahan ng nga "aktibo noon ewan na lang ngayon" hehehehe

Anonymous said...

featured daw sya sa soco. but lets remember him the way we prefer to na lang. ingat

ikabod said...

yep salamat, ikaw rin bok.