siguro dahil bihira na akong makahawak ng diyaryo ngayon kaya naninibago pa rin ako sa layout ng comics page ng PDI. di masanay ang mata ko na di na abot hanggang sa bottom ng page ang comic strips. napaka-alien nuong sudoku board na naroroon.
sa bottom most strip ako nagsisimula dati magbasa ng PDI comics page, sa tuldok strip. parang pasakalye lang tuldok strip, kasi di naman siya kinatatawanan, at kahit mapangiti ako eh sa isip ko lang yon nangyayari, di na umaabot sa mukha.
sa taas non eh yong loveknots na minsan kwela, actually ang kwela eh ung me loveknots pa rin kahit minsan lang kwela sila jaja. faves ko yong kiko machine ni manix abrera na anak ni jess abrera na long time editorial cartoonist ng PDI. may compilation book na nga ng kiko machine, nakabili ako sa NBS, asteeg! rakenrol!!
dati may strip na coffee cats sa ka-row ng kiko machine sa left side, pero nawala dahil namatay na yong cartoonist. sa isang pugad baboy compilation eh me caricature si p.m. junior na gawa nong cartoonist ng coffee cats.
yong ben at mikrokosmos at divine comedy eh dinadaanan ko lang papuntang atomo and weboy na nasa left side, parang sharp bend sa race car track, biglang liko, iwas sa mutts na nasa taas ng divine comedy kasi gusto ko siya i-save for later. di ko gusto yong divine comedy para lang siyang marker papuntang left side. yong atomo and weboy tingin ko sobrang kakatawa siguro siya kapag me tama ka sa jutes.
kwela yong baby blues kasi para siyang naka realtime, the kids grow up before our eyes, at tatlo na sila ngayon. hindi katulad ni marvin sa itaas nito na strip na forever na lang na baby.
foxtrot is a nerd strip. kwela siya sa kanyang pop sensibility. meron pang time na me crossovers siya with other strips na hindi naman nakalabas si PDI so kung di ka familiar sa ibang syndicated strips eh lost ka. pero kung me amats ka sa jutes eh siguradong magandang pang-induce ng laughing trip dahil di mo ma-gets hehe.
pagkatapos ko sa foxtrot na topmost strip sa left side ay babalikan ko yong mutts na love kong strip, gusto ko si crab na walang ginawa kundi mag-crab. nuong nag-paalam sa kanya yong 2 mutts dati eh sinagot niya ng " %$#@*&!!! " kasi daw he just can't say goodbye.
then diretso ako sa old time fave na pugad baboy na sangkatutak na ang compilation books ngayon. dati katabi ng pugad baboy ang drama serial strip na katrina. nasubaybayan ko din dati ang kwento ni katrina kasama sila pomping, nanay nila, si apen, sila rigor at dr. guiller. minsan pa nga sa pugad baboy eh binabasa nila ang PDI para alamin kung ano na ang nangyari kay katrina. akala ko ang magkakatuluyan si katrina at si apen.
last kong binabasa ang a.lipin ni jess abrera, political joke strip kasi siya kaya hinuhuli ko, parang balik sa mga balita, so pagkatapos ko siyang basahin eh diretso ako sa commentaries sa opinion section ng PDI.
ngayon eh lost ako sa binagong format ng PDI comics page. wala na akong ruta at di ako mapalagay na kalahati na lang ng page ang strips. kainis.
Sunday, October 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment