ah! davao! asteeg nakaab0t din! tapos na ang amazing race. pwede na ang aking munggo post.
it started with this text last week "friday ngayon kya gulay na munggo nd pritong isda."
again, there's that munggo-friday koneks, and i learned na munggo-isda-friday koneks pala yon. so i asked my friends "bakit karaniwang hinahanda ang munggo kapag friday?"
of course merong clueless about wtf i just asked them, tulad ni luz: "ngano man? wala ko kblo" at si malu: "di ko npapansin un. D ko lam. Haha...Search mo s google" pinasa pa ako sa google, the same tack taken by del albeit low tech version: "nakasulay ka pangutana dha ngano?" hmmmm malamang hindi ganon ang kalakaran sa pamilya nila or hindi sila mapagbantay sa hinahanda sa mga karinderya.
but there are people who are aware of this munggo-friday thingie and simply take this as a fact of life tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, the rising and falling of the tides, pero if you ask them about it:
vivian: "gud question, pero alam mo di ko alam."
arlene: "d ko alam. Bakit?"
che: "hmm la pa akong sagot jan ngyn teka at iisipn k nga bkit"
mhel: "alam mo yan dn ang tanung ko sa nanay ko na d nya masagot un lng dw nkasanayan nya pero dahl daw lent"
ah! now there's one who saw through the matrix and asked why pink is for girls and blue is for boys! ang tanging sagot ay ganun kasi ang nakasanayan. at katulad sa lahat ng bagay ay may silip na may kinalaman na naman ang relihiyon.
gerrie actually admonished me for being stupid about the katoliko connection, mahaba tnxt niya pero basically she said - allohaaaaa! 3pm friday sa kalbaryo? good friday haller! no meat so fish and veg lang! and munggo ang katapat ng karne pagdating sa sustansya.
ganon din sabi ni aying: "sa katoliko yan comrade. Ka-partner kasi ng isda. No meat ang friday. Day of sacrifice chuva. Bakit friday? connected sa good Friday. Nakasanayan na lang siguro na munggo at isda ang no meat" pinag-isipan ata ni vivian ito kasi naghabol siya ng text na "i think kse sa mga roman catholics after d ash wednesday bwal na ang pork pag fridays until easter sunday, so veg and fish lang ang pwede"
hmmm parang national geographic! yumayaman ang aking kaalaman! kaso another palaisipan! pahabol ni vivian: "pero bkt kya hindi pakbet or ampalaya? Y munggo nd isa?" aba! oo nga ano!!
sabi ni ge na hindi na ata natutuwa: "munggo parang kanin.mas mabigat sa tyan. matagal bago magutom uli.parang mais,d ba." hhmmmm may point, so i asked "eh di hindi pala dapat sahugan ng karne ang munggo kapag friday?"
sabi ni aying "baka nga kaya munggo. Kasi, di tulad ng pakbet, puedeng di sahugan ng karne ang munggo." (me ganung batas pala ang pakbet) very definite ang sagot ni ge "tinapa lang dapat ang alam ko".
pero meron ding me kasagutan na mas praktikal ang pinanggagalingan, pinaalam sa akin ni zeena na "kasi binababad pa yan lunes pa lang para by biernes malambot na"
sabi pa ni tanya "para bumagay sa 'extra fork' po na natira pa. Hehe. Besides, d monday, tuesday, wednesday monggo tastes best on Friday!" maganda sagot ni sharon na karugtong niyan "Ks pag Fri may paksiw o porkchop" o di ba? baka nga naman walang kinalaman si kristo dito sa friday munggo.
si murin economics ang hugot "malinaw ang sagot dyan, madalas byernes poor na ang mga tao..munggo na lng kaya bilhin..sa sunod na linggo na makasahod titikim na ng ibang putahe" hanep. ganon din ang pahabol ni myra "2ngkol naman s munggo, kya fri kc ala n laman ang ref n pwde maulam"
sabi na nga ba me class analysis na usapin dito eh, kaso me hirit si aying na itinigil ko na pagtatanong "Btw, noon daw, may matatanda na tuesday at friday ang no meat day. Bakit tuesday? yun po ang wala akong kasagutan."
alam ko lang nung martial law eh daimos kapag martes.
Friday, February 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
inayawan mo ung last comment ni ayi dahil "matanda" na ang usapan, baka kung saan pa mapunta at edad ang mapag-uspan..hehehe..so finally, may kasagutan ka na sa monggo, buti nga monggo ang best alternative, kesa sa paksiw, pg nagkataon gutom ang abot ko..
Tama ang sabi aying, tinanong ko ang inaanak ko na nag-aral sa
Catholic School, ganun nga daw sila sa school, munggo at isda pag
friday. Kasi daw no meat on Friday. Nag-aral din ako sa Catholic school pero di ko natandaan o napansin yun at di rin napag-usapan.
Post a Comment