Thursday, June 16, 2005

irreversible

bakasyon! Posted by Hello


i’ve been back sa office for two days na, i wish i could get back to work na rin. sabi ni richie mga 3 days pagbalik sa aming bakasyon before she did anything really productive. eh bumalik siya ng mas maaga kesa sa akin, so siguro mga one week pa akong spaced out.

richie, che and i had our vacation leaves together, magkakasama kami sa dumaguete, apo island, siquijor, ozamis at cagayan de oro.

sarap buhay kahit ubos pera. sulit yong salary loan ni richie. 11 days na walang palya sa red horse at strong ice. nakainom pa si richie ng tuba sa siquijor at tumungga ng red horse sa laot ng ozamis sa hating-gabi. nakapag-snorkel pa siya sa marine sanctuary ng apo island, asteeg.

funny iyong time na nakasama namin si rommel y at idak sa coco amigos sa dumaguete, lahat pala kami eh nakatanggap mula sa aming mga karelasyon o naka-relasyon, ng iba’t-ibang versions ng “masaya ka diyan habang andito ako nalulungkot” or “andami mo nang napupuntahang hindi ako kasama na nag-e-enjoy ka” hehe.

comic relief para sa amin na we all share the same fate pala. ang isa pang nakakatawa eh yong different versions ng “pag-isipan mong maigi kung bakit galit ako sa iyo, pag-isipan mo!”

kaya ayon, halos autistic na si idak sa kate-text. si rommel y naman ang unang nagkaron ng long and dramatic phone call, then ako na tatlong mahahabang installments, tapos si Cheryl na me matching hagulgulan pa sa kakalyehan ng dumaguete. si richie naman eh nakataas parati ang kilay at ilong sa naka-ambang “mag-usap tayo pagbalik mo ng maynila”.

pagbalik maynila eh wala naman palang pag-uusapan sila richie at i, pinapatapon lang yong picture namin ni richie sa silliman farm na magkayakap kami sa higaan. sabi ni cheryl nag-text na raw si gordie na pagkatapos ng ilang buwan ay finally tanggap na raw niyang hiwalay na sila. ok na rin kami ni len, kasi nagdesisyon kaming friends pala kami kesa mag-asawa o magkarelasyon. si rommel y eh inaway daw ni apple habang nakikipag-inuman siya sa isang matandang babae sa boracay at hanggang kahapon ay di pa sila nagkikita. sabi ni richie pagkatapos daw ipakita kay erwin ang mga pictures namin kasama si idak ay nagsabi lang daw ito ng “nag-enjoy talaga kayo doon ano?”

23 comments:

Anonymous said...

basta ang alam ko eh nagkaintindihan na tayo na wala akong problema sa pag-eenjoy mo sa bakasyon mo.

Anonymous said...

yun ba yong spring sa gitna na park na sinasabi mo?

ikabod said...

natural spring water na ginawang pool sa gitna ng park sa harap ng munisipyo! galeng no!

che_me said...

gusto kong mag babad... gusto kong mabasa..... ang saya ng bakasyong ito

bananarit said...

oo, erwin, nag-enjoy talaga kami don! foo foo foo foo...

Anonymous said...

people you are all blessed! Imagine, nag-eenjoy na kayo sa isang side ng mundo, may mga people namang nag-iisip sa inyo sa kabilang parte ng mundo... sa iba't-ibang paraan nga lang! actually dyan pa nga ako mas-nainggit! (senti kuno)- Di bale...he,he,he

eyed said...

hindi rin kaya na if you're in the throes of happiness, your perception of other people's words or actions becomes magnified or put in the extreme opposite situation (habang masaya ka, feeling mo lungkot na lungkot ang iba). parang catholic guilt, hehe. la lang, isip ko lang.

eniweys, cool ang bonding.:) miss ko tuloy mga friends ko noon.

'nangilabot' ako dun sa picture pero wag mong personalin ha.;) and btw, di naman talaga kayo "magkayakap" e kasi yung nakita ko, si ikabod ay nakayakap arms and legs kay bananarit at si bananarit ay nakayakap sa kanyang sarili.

ikabod said...

hmmmmm....matingnan ko nga uli yong fikchur...

ikabod said...

aba oo nga! itapon yang nakakangilabot na fikchur na yan!

eyed said...

ang saya naman nitong blog mo, andaming comments! nalingat lang ako e meron na agad dagdag.:)

ikabod said...

actually that's one of the things na lumabas sa usapan namin sa coco amigos, "ano ba gusto nila ma-guilty tayo?"

bananarit said...

a...dapat ba kaming ma-guilty na di kami nagi-guilty?

eyed said...

kasi kasi... sa akin, nakakapraning - pero di naman nakakagalit - yung may tinext ka tas ung text bak e "bat ka galit?" o "di, galit ka e" samantalang di ko man lang naisip o naramdaman un. on d oder hand, praning din ako pag tinext ako ng "ok" na wala man lang colon and close parenthesis. blame it to the smileys?

eyed said...

bananarit, nood tayo mamaya ng mr and mrs smith. la lang, father's day na kasi sa sunday e.

bananarit said...

ok

ikabod said...

o kaya walang umlaut (ung U na me dalawang tuldok sa taas). ganyan yong pinaka simula ng conflict sa one act play na SUBTEXT (sinulat ng pamangkin ni max na ikinapalano ng Palanca) nung magsyota kasi low tech yong cfone nung guy na walang umlaut at all caps lang palagi.

eyed said...

CGE MAGKITA NA LANG TAYO NANG MGA 6:30-7:00 SA GATEWAY. WALANG UMLAUT

ikabod said...

sige sana mag-enjoy kayo

che_me said...

well umiyak nga ako sa dumaguete but nabawi din agad dahil naging masaya namn ako na walang guilt na me naiimbyernang iba harharharhar

bananarit said...

mantakin mo nga naman...may 21 comments na sa post na ito. mukhang lahat tayo nag-eenjoy na. hehe

ikabod said...

well, i didn't feel guilty then, just a little sorry

che_me said...

pambihirang bakasyon kahit naka post na lng eh fil pa rin ang saya!!!

che_me said...

bsta ako ang natanggap kong text eh bakit daw ako nag eenjoy samntalang ako namn ang dahilan kung bakit siya hurt.....