Wednesday, December 19, 2007

me time

“Silence is something more than just a pause; it is that enchanted place where space is cleared and time is stayed and the horizon itself expands.”

Pico Iyer

Tuesday, December 11, 2007

packin tips

if you're packing any footwear, tis better to place them in separate plastic bags para mas madaling hanapan ng lugar, specially with shoes.

the space inside the shoes could also be used for socks, chargers etc.

happy packin!

Tuesday, December 04, 2007

danghag stream

naisip ko na kaya inisip kong di ko na mawalala sa aking isipan dahil nga naisip ko na pero dahil naisip ko na ay naging kampante ako na di na kailangan isipin dahil naisip ko na at di na ito mawawaglit sa aking isipan kung kayat hindi ko na nga inisip kaya ngayon ay hindi ko maisip kung kailan ko huling naisip ang simula ng pagkawaglit sa aking isipan ang matagal ko nang parating isina-isip na pag-iisip sa bagay na di ko maisip ay mawawala sa aking pag-iisip sa panahon na inisip kong parati ko syang isasaisip... ayaw ko nang isipin dahil ang hirap isipin kung paano ko siya hindi naisip sa panahon na inisip kong parati ko siyang isasaisip...

Thursday, November 22, 2007

miss the forex for the trees

sa paglakas ng Peso na dulot na din ng plunge ng US Dollar, apektado negatively ang funding ng mga NGOs dahil kadalasan naka-peg ang funding galing sa donors sa US currency. umaabot sa milyon ang forex loss...loss na translated sa kabawasan din sa services ng NGOs.

a curious thing is that naalala ko na exactly a decade ago during the onset of the asian crisis nung 1997 ay nasa pareho ding problema ang nga NGOs dahil naka-peg naman sa Peso noon ang mga funding, philippine peso na bumagsak mula $1=P25 exchange rate into about $1=P50, at sinabi ng mga consultants ay magandang gawin ay magnegotiate sa mga funders na sa susunod na mga projects ay i-peg na sa dollar ang funding requests sa donors instead na sa peso.

so ayan, the circle of life.

PS: ayon sa pagtatanong ko at pagtatanong ng pinagtanungan ko, ang tuyom sa tagalog ay sea urchin.

Wednesday, November 14, 2007

ano ang tagalog ng tuyom?

yon yong bisaya ng sea urchin, yong iihian daw dapat kapag natusok, me sampung tusok ako sa talampakan na remembrance sa oklahoma nung undas na sumakit pa lalo one week after. pinaguuuka ko ng nailcutter dahil anhirap na maglakad, ano tagalog non?

Wednesday, November 07, 2007

chicken or the egg

being a kid of a once future pentecostal minister i grew up on bible stories. i have this photograph of me sitting on my dad's lap while he was reading me a page from this big "bible for children" hardbound book spread open in front of me. it might be the one about shadrack, meshack and abednego in the furnace, or absalom with his hair tangled up in a tree branch, or the apostles with little tongues of fire above their heads. i almost got to be named jedidiah - beloved of the lord".

the bible was one of the first books i tried to read when i was still learning how to, but it wasn't until the fifth grade that i finally finished it from cover to cover. i always got stuck on "in the beginning there was nothing, then the lord said let there be light"....

my young mind could not start to imagine what "there was nothing" means, i look around me, think of all the time that passed by and i cannot picture - "in the beginning there was nothing". i thought maybe it was a dark empty void, but then a dark empty void is something, right? the lord was in it, so it was something. and what was the lord doing all that time in nothingness in the beginning? i soooo could not even start to picture that, there was supposed to be nothing, but there the lord was in this nothingness. ("nothing's here, oh maybe there...nope, still nothing")

and then he said let there be light, did the lord come to realize after being in nothingness in the beginning that it was dark? ("oh christ, it's dark here!") and like, ah, light on what dude? helloooo... there's nothing remember? nothing! you let there be light and what would it light up? it lit up on nothing! if it lights up then it lights up on something, right? did the lord see himself then? was it that moment that he became something too? or was he already something in the beginning when there was nothing? (pardon the "he", tis too tiring to write "the lord" or "s/he/it")

it was a humanist pamphlet that explained to me that that's exactly the great leap right there, instead of starting from "matter" as the primary cause one must believe that in the beginning there was nothing from which something came to be wherein everything else followed. it took me until high school to realize that that was too great a leap for me to make, my mind simply rejects "nothing".

belated happy anniversary che, tis been great being in the world with you.

Friday, October 26, 2007

ich bin a manth

little joys ...

... ginger snaps na nahanap ni che
... concert ni dido sa dvd player
... ayi sa cine europa
... spirited away
... durian sa davao, bukidnon at cdo
... equalizer ng tv speakers
... avast
... palapa
... stash tea
... oatmeal bar soap
... healthy options granola bar
... violet na slim havaianas
... k-n sa chat
... murin sa sms
... lemuel sa inilog
... texts ng mga taga negros
... hsa hotline launch
... lady and the unicorn on sale
... autumn of the patriarch on sale
... thai massage with che sa ban sabai
... thai massage with aying sa tanton
... rai rai ken with rea
... subanon gathering with jerome
... same same utaw sa ai assembly
... nice sa maynila
... ligo sa lantapan
... papaitan sa ipil
... thai pants from che
... palaboy sa cubao
... P5 at P10 sa bote ng gatorade
... cabinet na may shelves
... empire earth
... regalo ni ody
... chippy pa rin
... lipton red tea
... c2 peach
... mineshine pa rin
... let's stay together tabs
... dunkin donut brownies
... churros y chocolate sa mai's
... pulangi upland red rice
... kapeng bukidnon, benguet, kalinga, turkey, kenya
... mga house pasalubong ni aying
... african face masks na bigay ni jorge
... the lover film poster
... manobo bamboo flute
... mabuhay miles
... cinemaone
... tonton, benjo, at mga bords
... sumilao march updates (yep)
... again - cob, arancillo, puyat, native malagkit

Monday, September 24, 2007

galeng!

tingnan mo nga naman at natanggal ang mga templates namin pareho ni che.

ayos ah.

Wednesday, September 19, 2007

in memory of elizabeth reed

"I love being alive and I will be the best man I possibly can. I will take love wherever I find it and offer it to everyone who will take it. Seek knowledge from those wiser and teach those who wish to learn from me."

epitaph from duane allman's grave

Monday, September 03, 2007

...to the limit

nung naglakad ako sa kalye ng kamaynilaan nung nakaraang linggo, napansin ko na may bagong street food na uso. calamares mhen, hanep.
una kong nakita sa may sta. mesa nung papunta kami ni zeena sa bahay ni malu, akala ko'y ispesyal lang na tinda dun sa isang pwesto. pero mamaya ay sunod sunod na nung papasok na kami ng lardizabal.
una siyang nawari ng aking ilong. iba ang naidagdag niyang amoy sa siksikang daan na puno ng kwek kwek, squid ball, pritong leeg ng manok, inihaw na mga isda, isawan, at prutasan. pagtingin ko ay kakaiba nga, mga galamay ng pusit na binalot ng arina na inaahon sa isang kalderong mainint na mantika.
sa carriedo kung saan nalaman kong walong piso na pala ang orange egg o kwek kwek, ay naglipana na din ang calamares, pero hindi ko alam kung calamares nga ba tawag don o may kakaibang haneps na pangalan tulad ng first blood o iud o tokneneng o pan de regla o sundot kulangot o tira tira o soup number five at remember me.
dun sila nagsiksikan sa may bandang ilalim na ng lrt na nung nakaraang daan ko ay pedestrian walkway pa siya pero pinatibag na ni lim. yong pag-alis ng stalls sa carriedo ay ok lang sa kin pero yong pag bukas uli sa avenida para madaanan ng sasakyan ay eh bad trip. balik bronx na naman ang itsura niya at malamang sisigawan na naman ng rebolusyon ng mga marra-rally na dadaan don.
sabi ni murin kahit daw sa gilid ng shangrila eh meron nang calamaresan. kaya di lang pala siya sa maynila. kung ang kwek kwek ay mga dalawang taon pa lang sa davao at ipinapakilala pa lang sa cagayan de oro eh baka isang dekada pa bago ako makakita ng squid tempura sa kakalyehan ng mindanaw.

Wednesday, August 29, 2007

Tuesday, August 14, 2007

cinemanila 07....oh, drool...

I don't give a fuck if people can buy my movies here for a dollar, I'm rich enough anyway. As long as people can watch my films, I'm happy! It's the Filipino films you shouldn't go and buy on the streets! When there are Filipino films showing, you've got to get your ass off that chair, buy tickets and watch them!!!

- Quentin Tarantino

Friday, July 27, 2007

Tuesday, July 24, 2007

death is the new black

four years bestseller ang tuesdays with morrie. na-browse ko last week sa subic ang kopya ng kaibigan ko. life lessons ng isang college prof who had come to terms with his impending death. death sells.

dahil diretso akong subic last week hindi ako nakapunta sa burol ng lola ni zeena. huli ko nakita si lola eh nung umuwi kaming lasing ni zeena sa kanilang bahay sa fairview last year. paakyat na ako ng hagdan kasunod ni zeena nang biglang lumabas si lola sa kwarto niya at pinagtatatanong ako kung sino ako. oo nga naman, madaling araw at nakasilip siya ng di kilalang lalaki na naglalakad sa labas ng pinto niya.

nahuli din ang biyahe ko pa-luzon para makapunta ako sa burol ng tatay ni bingboy sa cavite. nuong isang taon nakapunta pa ako sa burol ng nanay niya sa bayawan, negros oriental. doon ko huli nakita si tatay, sa bahay nila na katabi ng terminal ng ceres na ginipit sila sa kanilang right of way dahil ayaw ibenta ni tatay ang kanilang lupa sa may-ari ng bus company.

doon sa bahay na iyon ko huling nakita din ang kapatid ni bing na si adette na namatay na din pagkatapos ni nanay. payat na payat na si adette noon at di na nakakalakad. malayo ang itsura nuong nakita ko siya nuong dumaong sandali ang pa-maynila naming barko ni bing galing cagayan de oro halos isang dekada na ang nakalipas. macho at batu-bato ang nakatatak na itsura ni adette sa isipan ko. ngayon wala na siya, si nanay at si tatay. naulila nang lubos si bingboy, nakikiramay ako sa kanyang pagdalamhati. hanggat buhay ako di siya mangungulila sa kaibigan.

yan din ang sinabi ni judy sa pasasalamat sa nakiramay sa kanilang magkakapatid, nang maulila na sila sa magulang sa pagyao ni papa. naikwento ni judy sa akin na kabaligtad sa aking naging buhay eh siya tumira sa iisang bahay lamang for more than thirty years. silang dalawa ni papa ang naiwang magkasama sa bahay na iyon ng mag-sarili na ang mga kapatid niya ng tirahan. umalis lang sila doon nito na lang na umalis si judy para magtrabaho sa thailand. ngayon kakabalik lang ni judy. si tatay naman ang nagbyahe.

nang i-browse ko ang tuesdays with morrie i remembered the article sa world news about this hotel in india where people check-in to...well...die. they go there kasi it's just beside the ganges river na holy sa mga hindus. expecting to be reincarnated, they don't look at death like we do, celebratory pa nga dahil umuusad sila sa karmic journey nila. if they don't die within two weeks, they will be asked to check out muna to give way to others.

there's this line about reincarnation sa movie na before sunrise....pero, that would be for another post. for now eh we make way to those who already lived out their lives at habang di pa tayo makakasabay sa kanila ay sabi ng inxs "live baby live!"

Wednesday, July 18, 2007

public ad


Wednesday, August 8, 2007 9:00 a.m.
Synchronized Breastfeeding Worldwide
Central Site: Tandang Sora Hall, TESDA Women's Center
TESDA Complex, Taguig City
Partner: World Alliance for Breastfeeding Action (WABA)
www.breastfeedingworld.net

Thursday, July 12, 2007

amigas

hindi ko maintindihan kung bakit nilalanggam ang tubig sa airpot sa office...

sabagay marami naman akong bagay na hindi maintindihan...

Tuesday, July 10, 2007

birthdays - the more you have, the longer you live.

happy birthday darling che!

Wednesday, June 27, 2007

Thursday, June 14, 2007

lord baden powell

my fieldwork kikay, utility and survival kits:

  • oral-b blue p-40 toothbrush
  • close-up blue milk calcium conten
  • cleene violet mini floss mint waxed
  • astring-o-sol green fresh mint mouthwash concentrate
  • chinese hi-grade toothpick
  • vaseline intensive care total moisture dry skin lotion
  • nivea dry impact deodorant for men
  • gillette shaver
  • gillette shaving cream
  • clean and clear oil control film
  • tissue
  • watson's wet tissue
  • blistex medicated balm lip protectant / sunscreen
  • nichido ear pick
  • aplosyn cream anti-allergy / anti inflammatory / anti bacterial
  • centrum
  • loperamide imodium
  • silk secrets apricot facial cleanser wipes
  • pei pah khoa lozenges
  • fisherman's friend extra strong mints
  • chinese green ointment thingie
  • watson's nailcutter
  • band-aid isopropyl alcohol
  • palmolive naturals sachet shampoo
  • palmolive naturals sun care soap
  • sun screen lotion
  • nivea after sun spray
  • plastic trash bags / ice bags
  • malong
  • mag-lite
  • blow pillow
  • drawing pens
  • usb thumb drive
  • phones with games and cam
  • pocket book

Wednesday, May 30, 2007

inbox

isang pahirap sa mababang memory na cfones eh madali mapuno ang inbox.

kaya kelangan magbura ng messages para makapasok ang mga bago.

eh hirap ako magbura ng mga last messages ng mga kaibigan, mapa-cfone o email.

hindi dahil sentimental ako na tao.

kundi dahil baka mamatay na sila at last message na nila yon sa akin.

hanggat maaari binubura ko lamang ang last mesage kapag me pumasok nang bago.

kaya kapag napipilitan akong magbura eh parati kong naiisip "paano kung last message na niya yan?" pakiramdam ko para ko silang pinapatay.

Friday, May 18, 2007

finally...

tampo ata blogger ah, ayaw ako pasulatin ng bagong post...

Wednesday, April 25, 2007

mga tao sa maynila na dapat na ako magpakita sa sunod

si arlene

si den-den

si dinah

si jazer

si jc

si lola imay

si murin

si nice

si vivian

Monday, April 23, 2007

tama na tungkol sa patay

tinanong ko si larry isang dekada na ang nakakalipas
kung di rin ba siya magpapa-tatto
(yon ba ispeling sa tagalog?)

sabi niya ayaw daw niya dinudumihan ang katawan niya.

suplado.

Friday, April 20, 2007

binaril nila....

... si liboy (leeboy sa amin dati) garachico, at dinukot sila ma. luisa posa-dominado at nilo arado...

Friday, April 13, 2007

death and taxes

may panahon sa buhay ng isang kaibigan ko na kung magkita kami eh parati halos sa mga burol. joke namin na iyon na ang naging social life niya non, magpakita sa mga utaw kapag me mamatay.

sa mga kamag-anak ko sa tatay side ganon din ako, nakikilala ko lang sila kapag me nabawas sa angkan. ipapakilala sa kin mga kamag-anak ko na ugat pangasinan, baka daw makasalubong ko sa kalye eh di ko man lang alam na lolo o tiya o pinsan ko na pala iyon. hindi ko alam kung bakit walang naka-isip sa pamilya ng tatay ko na pagbakasyunin ako sa pangasinan o kaya man lang eh isama ako minsan sa taunang piyesta na umuuwi sila lola doon. mas madali at mas masaya sigurong paraan yon para makilala ko mga kamag-anak kong ugat doon

noon daw burol ni auntie juliet eh mini-reunion uli sa loyola. naka-uwi ang kapatid niyang si romeo na tatay ko. nabati na rin ni romeo ng 2 buwang belated na happy birhtday anak niyang si omar na kasama ang buong pamilya, pati ang apo ni romeo na si cera na don lang nakita. pati balae niya. don lang ata nakakita si erpats ng balae niya. andami na niyang naging balae sa akin eh wala man lang siyang nakita kahit isa don

andon din ang anak kong si ayi pati mama gerrie niya. sabi ng kapatid kong si ody (na nurse na sa US ngayon) kay cheryl nuong nasa maynila pa sila pareho eh absentee na apo-anak-kapatid daw ako sa bahay at mga family gatherings noon pa, kaya ang bumabawi para sa akin eh eh mga naka-karelasyon ko na mas nagiging malapit pa sa kanila kesa sa akin

ang muntik ko nang puntahan na burol ay iyong sa nanay ni rita sa davao, halos parehong panahon ng kay auntie juliet (auntie juliet na pinapagod ko daw dati sa kakasagot sa aking walang patid na 'why? why? why?" nong maliit pa ako). kaso kinailangan kong mamasada papuntang oroquieta nung weekend na dapat ay nasa davao ako

umattend ako ng reunion ng pamilya ni cheryl.

Monday, April 09, 2007

Thursday, April 05, 2007

Friday, March 30, 2007

kambal tuko

rakenrol!
sabi nga sa librong nakita ko habang binili ko ang kikomachine komiks
na kinatuwaan nitong si murin eh
"take quick and forcible possession of the current 24-hour period
during which the earth is completing one rotation on its axis!"
or in other words - "seize the day"

Sunday, March 25, 2007

from dagat to bundok

i recently went to a radio show in zamboanga city and it was the most multilingual one i've ever been in. bernie, the dxmr radyo ng bayan anchor, did his show in chabacano, tagalog and english, and because he had two Subanon leaders as guests, cebuano and subanon were also used. hanep, babel!

it was not just the language soup that gave me quite a heady spell lately. just 10 days ago i was still breezing through the tanon strait coastal towns of negros, the taste of sweet tuba on my lips. a few days after that, i found myself on a bouncy habal habal ride up the mountains of zamboanga del norte. it was a trip in which i had to move from one place, one sector, one work, one language, one group of comrades --- to another.

in five years, i went bunnyhopping all over the islands of our glorious republic. from 2003-2007, i have moved from manila to mindanaw, lived for two years all over the island before i went back to quezon city where i stayed for less than a year, then back to davao city for a little more then two months, stayed in bulacan after that for just a few weeks, lived in negros for a little more than a year, and now i got myself lost in the streets of nazareth, cagayan de oro.

i would probably never get used to the fact that i live in a place called nazareth. romelus nazarenus.

ikabod bubwit


Friday, March 16, 2007

Thursday, March 15, 2007

try a little tenderness

nasobrahan ako sa pakikipag-male bonding nung isang gabi. grabe.

Wednesday, March 07, 2007

mammies

my yahoo inbox got an email from thebreastfeedingclinic@yahoo.com and i went "huwatda?"

Date: Mon, 5 Mar 2007 23:59:36 -0800 (PST)
From: "The Breastfeeding Clinic"
Subject: Announcement of Trainings
To:
ikabodik@yahoo.com


it was an invite for a training by the philippine lactation resource and training center. go figure.

Saturday, March 03, 2007

finally

got this note on my phone dated 8/18/06 - "up dharma down".

che and i finally bought it last feb, hay happiness!

Friday, February 23, 2007

luhod

ah! davao! asteeg nakaab0t din! tapos na ang amazing race. pwede na ang aking munggo post.

it started with this text last week "friday ngayon kya gulay na munggo nd pritong isda."

again, there's that munggo-friday koneks, and i learned na munggo-isda-friday koneks pala yon. so i asked my friends "bakit karaniwang hinahanda ang munggo kapag friday?"

of course merong clueless about wtf i just asked them, tulad ni luz: "ngano man? wala ko kblo" at si malu: "di ko npapansin un. D ko lam. Haha...Search mo s google" pinasa pa ako sa google, the same tack taken by del albeit low tech version: "nakasulay ka pangutana dha ngano?" hmmmm malamang hindi ganon ang kalakaran sa pamilya nila or hindi sila mapagbantay sa hinahanda sa mga karinderya.

but there are people who are aware of this munggo-friday thingie and simply take this as a fact of life tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, the rising and falling of the tides, pero if you ask them about it:

vivian: "gud question, pero alam mo di ko alam."

arlene: "d ko alam. Bakit?"

che: "hmm la pa akong sagot jan ngyn teka at iisipn k nga bkit"

mhel: "alam mo yan dn ang tanung ko sa nanay ko na d nya masagot un lng dw nkasanayan nya pero dahl daw lent"

ah! now there's one who saw through the matrix and asked why pink is for girls and blue is for boys! ang tanging sagot ay ganun kasi ang nakasanayan. at katulad sa lahat ng bagay ay may silip na may kinalaman na naman ang relihiyon.

gerrie actually admonished me for being stupid about the katoliko connection, mahaba tnxt niya pero basically she said - allohaaaaa! 3pm friday sa kalbaryo? good friday haller! no meat so fish and veg lang! and munggo ang katapat ng karne pagdating sa sustansya.

ganon din sabi ni aying: "sa katoliko yan comrade. Ka-partner kasi ng isda. No meat ang friday. Day of sacrifice chuva. Bakit friday? connected sa good Friday. Nakasanayan na lang siguro na munggo at isda ang no meat" pinag-isipan ata ni vivian ito kasi naghabol siya ng text na "i think kse sa mga roman catholics after d ash wednesday bwal na ang pork pag fridays until easter sunday, so veg and fish lang ang pwede"

hmmm parang national geographic! yumayaman ang aking kaalaman! kaso another palaisipan! pahabol ni vivian: "pero bkt kya hindi pakbet or ampalaya? Y munggo nd isa?" aba! oo nga ano!!

sabi ni ge na hindi na ata natutuwa: "munggo parang kanin.mas mabigat sa tyan. matagal bago magutom uli.parang mais,d ba." hhmmmm may point, so i asked "eh di hindi pala dapat sahugan ng karne ang munggo kapag friday?"

sabi ni aying "baka nga kaya munggo. Kasi, di tulad ng pakbet, puedeng di sahugan ng karne ang munggo." (me ganung batas pala ang pakbet) very definite ang sagot ni ge "tinapa lang dapat ang alam ko".

pero meron ding me kasagutan na mas praktikal ang pinanggagalingan, pinaalam sa akin ni zeena na "kasi binababad pa yan lunes pa lang para by biernes malambot na"

sabi pa ni tanya "para bumagay sa 'extra fork' po na natira pa. Hehe. Besides, d monday, tuesday, wednesday monggo tastes best on Friday!" maganda sagot ni sharon na karugtong niyan "Ks pag Fri may paksiw o porkchop" o di ba? baka nga naman walang kinalaman si kristo dito sa friday munggo.

si murin economics ang hugot "malinaw ang sagot dyan, madalas byernes poor na ang mga tao..munggo na lng kaya bilhin..sa sunod na linggo na makasahod titikim na ng ibang putahe" hanep. ganon din ang pahabol ni myra "2ngkol naman s munggo, kya fri kc ala n laman ang ref n pwde maulam"

sabi na nga ba me class analysis na usapin dito eh, kaso me hirit si aying na itinigil ko na pagtatanong "Btw, noon daw, may matatanda na tuesday at friday ang no meat day. Bakit tuesday? yun po ang wala akong kasagutan."

alam ko lang nung martial law eh daimos kapag martes.

Wednesday, February 21, 2007

balakang

in a few minutes run na ako sa pier, para sa cebu ferries boat to cagayan de oro, our lady of good voyage. nakapag-30 minutes na back massage sa tonton kanina at nakapag-browse na sa national bookstore. baon ko ay cinnamon roll ng goldilocks at KIKOMACHINE2 asteeeeeeg! rakenrol!!

Tuesday, February 20, 2007

single step

how do i get from here to there? what do i do?

5:30 this afternoon i'll take the ferry and cross the tanon strait to tangil port in dumanjug, cebu. then, either by van or bus, i'll be in cebu city about nine-ish.

tomorrow evening i'll take the overnight superferry to cagayan de oro, and be there till friday maybe.

depending on how things turn out in cagayan de oro, i'll already be making whoopee in davao city early morning friday or saturday after i take the cross country buda bus. whoopee!!!!

Wednesday, February 14, 2007

Sunday, February 11, 2007

speak your truth loudly and clearly

nung huwebes humingi si JT ng extra fork sa waiter sa resto sa center mall ng san carlos, medyo natagalan nang kaunti, pagbalik ng waiter ay binigyan niya si JT ng dagdag na pork barbeque.

sa makati dati humingi ako ng beer at ang ibinigay sa akin ay ang aming bill, pero mas kwela itong extra fork.

Wednesday, February 07, 2007

Tuesday, February 06, 2007

ramblin man

kakaisip ko pa lang kahapon ng umaga na siguro naman wala na akong pakikiramayan ngayong pebrero, pero pagkatanghali ay nalaman kong namatay na si tolits at ngayon sa email ay tatay naman ni milcah, at asais pa lang ng pebrero.

naalala ko si pol tapia, andami kong nakitang patay sa isang araw dahil pinaghahahanap namin siya sa mga punenarya sa maynila. nuong huli kong punta sa pagtitipon ng FIND nakabilang pa rin ang mukha niya sa mga nawawala.

pagkatapos ng funeral hopping ay nasubukan ko din dati mag-bus hopping, sumasakay ako ng g-liner na makirina-tayuman na byahe para mag-paliwanag sa Letter of Intent ng pilipinas para sa IMF-World Bank at ang kaugnayan nito sa pagtaas ng presyo ng langis, habang nangungolekta naman ang isang kasamahan ko ng baryang tulong galing sa mga pasahero. sa mga rally mas gusto kong tagahawak ng collection box (CB) dahil hindi ko kelangan pumasok sa linya.
nung isang araw natawa ako sa isang praise the lord na nagsalita sa loob ng bus na sinakyan ko pa-San Carlos, ipinaliwanag niya ng husto kung bakit kailangan magbigay ng love offering ang mga tao sa mga "ministro ng panginoon" at kung bakit kailangan naman nilang tanggapin ang mga love offering ng mga tao. i gave her a five (peso coin) for effort.

sa san carlos eh napadaan ako sa novo store at naaliw ako sa murang korean na surplus products don, pag-abot ko ng terminal ng bus ay me dala akong maroon laundry basket na maliit, orange toiletry basket na maliit, tissue na maliit, wet tissue na maliit, red pumice stone na maliit, black notebook na maliit, supot ng toothpick na maliit, blue soap dish na maliit, violet shower scrub at coconut scented na cabinet freshener.

pagbalik ko ng guihulngan ay automotic na akong tinanong sa karinderya kung munggo, half rice at C2 ang oorderin ko sa hapunan, ganon na pala tatak ng mukha ko doon, mr. munggo. sa pwesto naman sa palengke eh budbod at tsokolate naman ang itatanong agad sa akin, para maiba naman kanina eh sabi ko kanin ang order ko....at munggo...at tsokolate.

mukhang fixture na ako sa poblacion dahil kabatian ko na sa kalye ang barbero, mga tindera sa panaderya sa kanto, taga LGU, taga PTNT, mangangarne sa palengke, mga mananagat, taga-internet, taga lending at money changer at taga bangko. nung 3 day blackout ay pwede na ako makisaksak ng libre sa isang pwesto sa palengke na me kuryente galing generator.

dito sa gitna ng kabisayaan ay feeling ko ang husay ko na magbisaya dahil araw araw ko silang kakwentuhan na umuusad naman usapan namin, kapag me kausap akong taga-mindanaw eh don ako nagmumukhang tanga sa pagbibisaya dahil parati akong sinasabihan na magtagalog na lang ako kapag kausap ko sila, mas lalo na sa davao, at mas lalo na si cheryl. windang nga ako pagkabalik ko galing davao dahil halos nagtagalog ako don.

minsan kapag me bisayang nagsasabi na hirap sila sa tagalog eh parang hirap ako maniwala dahil puro tagalog naman ang palabas sa tv na araw araw at gabi-gabi nilang pinapanood. sa umaga nakaka-asiwang makita na dito sa gitna ng kabaryuhan sa negros eh ipinapaalam sa amin ang kalagayan ng trapiko sa EDSA - sa may Nepa-QMart, sa Ortigas at sa Makati. sigurado akong walang pakialam ang mga taga maynila na me nasagasaang kambing sa bandang liko sa highway sa barangay kinayan kaya para ano naman sa buhay namin ang malamang buhol-buhol ang sasakyan sa commonwealth avenue sa quezon city?

kahapon may nakita akong nakasakay sa kalabaw sa highway, gusto ko sanang mamangha pero magmumukha akong tanga, palay nga pala eh pinapatuyo sa highway so hindi malayong sanay na din mga tao makakita ng nangangalabaw sa highway kasabay ng mga sikad, habal-habal at bus. pero kung me sumakay sa kambing mamamangha na talaga ako.

kanina habang nakasakay ako ng motor sa highway ay naiputan ako ng ibon sa ilong.

Saturday, January 27, 2007

giant clam

nakatikim ako ng ginataang taklobo sa el nido palawan lampas isang dekada na ang nakaraan. don ko nalaman na endangered na pala ito, sabi ng haribon staff na siya mismong kumuha ng taklobong kinain namin sa mismong sanktwaryo na binabantayan niya dahil nga endangered na ito.

tatanga-tanga pa nga ako noong iniahon ang taklobo sa bangka kasi di ko napigilang haplos-haplusin ang madulas na laman nito. agad na hinila ang kamay ko palayo sa taklobo dahil baka daw ipitin nito ang kamay ko katulad ng mga napanood ko sa animal planet ng ilang beses pagkatapos noon. biglang sumasara ang nakabukang taklobo kapag nakaramdam ng kung anong pagdapo o lalo na ang pagkalikot sa loob nito, ito ang paraan niya upang makahuli ng makakain. (now there's a life lesson somewhere in that, which i unfortunately have not fully learned)

tuwing napapadaan ako sa pintuan ng mga simbahan at katedral dito sa pilipinas, at nakikita ko ang rebulto ng anghel na lagayan ng agua bendita ay lalo nabubuo ang aking paniniwala na ang mga katoliko ang may kasalanan sa pag-ubos ng mga taklobo sa ating karagatan.

Saturday, January 20, 2007

Status of DAR’s ARC Development

http://www.dar.gov.ph/ssarcs.html


As of December 2004, about 1,620 ARCs were launched with a total of 6,229 barangays nationwide. Some ______ hectares were distributed to _______ ARBs or ______ percent of the land distribution scope.
Parang exam, fill in the blanks! Wehehe!

Mas maganda tong Performance on Land Tenure Improvement rakenrol!



Friday, January 19, 2007

pakikiramay din uli...

sa iyo bingboy, makakapagpahinga na si adette.

Tuesday, January 16, 2007

Friday, January 12, 2007

another growth ring

ngayong araw na ito gusto kong pasalamatan ang mga sumusunod:
  • gsm na cellphone
  • internet connection
  • mine shine milk tea

(not necessarily in that order)

Thursday, January 11, 2007

renewed after three years

it took me all morning just to pee for my drug test, and all afternoon to go through the application, the interview, the review, the written exam, the practical exam, the waiting, the waiting, and the waiting...

buti na lang 10 minutes before closing time yesterday na-release din ng LTO ang aking driver's license, fuckin-A!

Sunday, January 07, 2007

when the moon hits your eye like a big pizza pie, that's amore

mozzarella once upon a healthier time,
pagaling ka cyd, iwas sa sakit murin.